Press "Enter" to skip to content

Pinay Sa Canada, Hinarass Ng Isang Canadian National

Hinarass ng isang Canadian National ang isang Pinay sa Edmonton, Alberta Canada. Ito umano ay matapos na mabigong makuha ang ninananis nitong phone number at pangalan ng naturang Filipina.

Ang pang haharass

Ayon sa ulat ni Lei Alviz sa “24 Oras”, kitang kita ang lalaki sa video na nagbabanta kay Patricia Medrano sa labas ng kanyang apartment unit . Ang suspek na Canadian National ay sinubukang atakihin ang naturang Pinay sa kanyang apartment habang sumisigaw ng isang racial slur at nagbabanta pa na papatayin ang biktima.

Pinay Sa Canada, Hinarass Ng Isang Canadian National 2
Photo credit: GMA News

“I’ll kill you… I’ll decapitate you,” sabi ng suspek.

“Filipino… get out of Canada,” dagdag pa niya.

Dahilan ng pang haharass

Sa pagsasalaysay ni Medrano, nagalit at nag wala ang naturang Canadian National. Ito ay matapos niyang tumangging ibigay ang kanyang pangalan at phone number ng hingin sa kanya ito ng suspek.

Pinay Sa Canada, Hinarass Ng Isang Canadian National 3
Photo credit: GMA News

“Sumisigaw na po kasi siya sa may hallway, tinanong niya, sabi niya ‘can I ask for your name’ and then tinatanong po niya ‘yung kapatid ko kung puwede po akong makuha’ yung number ko,” – Medrano.

“Ngayon, sabi po ng kapatid ko sa kanya, ‘No’,” dagdag pa nito.

Na trauma

Si Medrano ay nakatamo ng mga pasa dahil sa insidente. Nang dahil dito ay na-trauma diumano ang naturang Pinay sa nangyari sa kanya.

Pinay Sa Canada, Hinarass Ng Isang Canadian National 4
Photo credit: GMA News

“Ako po, I felt uncomfortable and uneasy. Sobrang unexpected din po talaga ‘yung ganitong pangyayari,” -aniya.

Arestado

Naaresto at pingbawalan ang Canadian suspek na pumasok sa gusali ni Medrano. Hananarap diumano ito sa kasong assault.

Panoorin ang kabuuang balita dito:

Bisitahin ang Pinasbalita.org para sa iba pang mga nagbabagang balita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: