Press "Enter" to skip to content

Pinay Transgender Ng Antipolo City, Gumawa Ng Mga “PPE Suit” Para Ipamigay Sa Mga Frontliners

Isang pinay transgender sa Antipolo City ang buong pusong gumawa ng mga Personal Protective Equipment o PPE. Upang ipamahagi sa ating mga magigiting na frontliners sa iba’t-ibang hospital.

Pinay Transgender Ng Antipolo City, Gumawa Ng Mga "PPE Suit" Para Ipamigay Sa Mga Frontliners 2

Ang mananahi

Ang video ay inupload nito lamang buwan sa social media. Ang pinay transgender ay si Fahren Lancova Pink na may-ari ng isang beauty salon sa lungsod ng Antipolo.

Siya din mismo ang nananahi ng mga nasabing P.P.E suit.

Pinay Transgender Ng Antipolo City, Gumawa Ng Mga "PPE Suit" Para Ipamigay Sa Mga Frontliners 3

Sa kabila ng lock down ay naisipan niyang gumawa ng mga PPE suit. Nang sa gayon ay makatulong sa problemang kinakaharap ng bansa sa kakulangan ng protective equipment ng ating mga frontliners.

Aniya pa, ” The best way to find yourself is to lose yourself in the service of others. “

Kasama ang ilan sa mga kaibigan at kapit bahay ay nag tulong-tulong sila.

Pinay Transgender Ng Antipolo City, Gumawa Ng Mga "PPE Suit" Para Ipamigay Sa Mga Frontliners 4

Naisipan nilang gawing makabuluhan ang kanilang oras at gumawa ng isang bagay na higit na makakatulong sa bayan ngayong panahon ng quarantine.

Ipinamahagi

Ang mga nasabing PPE ay kanilang ibinibigay sa lahat ng mga ospital na nangangailangan nito. Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 2,000 PPE suit ang kanilang naipamahagi sa loob at labas ng Metro Manila.

Pinay Transgender Ng Antipolo City, Gumawa Ng Mga "PPE Suit" Para Ipamigay Sa Mga Frontliners 5

Maging ang kaniyang kapatid ay gumawa din ng sariling improvised face mask para sa mga frontliners ng kanilang lugar.

Pagpapasalamat

Lubos siyang nag pasalamat sa lahat ng mga taong nagbigay ng suporta at tulong para sa mga materyales na ginamit sa pag gawa ng mga nasabing PPE suit, at upang maisakatuparan ang mga ito.

Pinay Transgender Ng Antipolo City, Gumawa Ng Mga "PPE Suit" Para Ipamigay Sa Mga Frontliners 6

Patuloy ang kaniyang paglingap ng mga tulong sa mga may mabubuting puso at may kakayanan. Ito ay upang maipagpatuloy at madagdagan pa ang kanilang ginagawang mga kasuotan.

Magandang halimbawa

Ito ay ilan lamang sa magandang halimbawa na dapat tularan. Sa panahon na ito mas kailangan ang pagkaka-isa at tulong maliit man o malaki.

Ano man ang kasarian ay hindi sukatan upang makagawa ng mabuti at makatulong sa bayan.

Narito ang kabuang panayam sa video

“Pay it forward”Yan ang ginagawa ngayon ng isang Trans Pinay at may-ari ng salon sa Antipolo na si Bayan Patroller Fahren Lancova. Kwento ni Patroller, alam niya ang pakiramdam ng walang-wala, hanggang sa may tumulong sa kanya. Kaya naman hindi siya nag-dalawang isip na tumulong din sa mga nangangailangan.Dahil may background sa pananahi, gumawa siya ng mga PPE sa tulong ng mga kapitbahay at kaibigan mula noong March 18, 2020 hanggang ngayon. Ang kapatid niya naman ay gumagawa ng face shields at pinamimigay din ito. Namigay na sila ng hindi bababa sa 2,000 PPE suit sa mga Hospital sa loob at labas ng Metro Manila.ABS-CBN News#COVID19

Posted by Bayan Mo, Ipatrol Mo on Monday, April 6, 2020

Source: Facebook


Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: