Press "Enter" to skip to content

Pinoy Karate Champion, Tinalo Ang Top 1 Sa World’s Virtual Kata

Tinalo ni Philippines’ karate champion James De Los Santos ang world’s top 1 virtual kata mula sa Portugal nang makuha niya ang kanyang ikaapat na ginto sa isang online na paligsahan.

Pagkamit ng tagumpay

Ang 30-taong gulang na Pinoy karateka ay sumali kamakailan lamang sa Athlete’s E-Tournament Series 1 at hinirang na kampeon sa ilalim ng kategoryang Individual Male Seniors matapos matalo ang top-ranked na si Eduardo Garcia ng Portugal.

Victorious! I won my fourth virtual gold! 🥇 Just concluded the Athlete’s E-Tournament Series 1.Here are the…

Posted by James De Los Santos on Tuesday, August 11, 2020

Inihayag ni Delos Santos sa kanyang Facebook post nitong Agosto 12, Miyerkules,

“Victorious! I won my fourth virtual gold!”

(Tagumpay! Nanalo ako ng aking ikaapat na virtual na ginto!)

Ang pambato ng bansa ang unang natalo ang mga kinatawan mula sa U.S.A. at Bolivia sa quarterfinals at semifinals, upang mag-advance sa huling round ng kumpetisyon.

Pagkapanalo laban sa top 1

Si James De Los Santos, na kasalukuyang nasa World No. 2, ay sabik na makamit ang no. 1 na puwesto sa world kata rankings.

Ibinahagi ng Pilipinong atleta,

“The final round was against Portugal. This was the third time I faced him, and it’s been competitive. This was special as he’s No. 1 and I’m No. 2 in the world rankings for the E-Tournaments. This time, I was able to win the gold medal.”

(Ang huling round ay laban sa Portugal. Ito ang pangatlong beses na hinarap ko siya, at naging mainit ang laban. Ito ay espesyal dahil bilang siya ay No. 1 at ako ay No. 2 sa world rankings para sa E-Tournament. Sa pagkakataong ito, nagawa kong manalo ng gintong medalya.)

Pinoy pride

Ito ang pangalawang panalo ng ginto para kay Delos Santos para sa buwan ng Agosto lamang. Ito ang kanyang ika-apat mula nang sumali siya sa virtual tilt sa panahong ng global lockdown kung saan ang mga pagtitipon, kabilang ang mga kaganapan sa palakasan, ay hindi pinapayagan dahil sa coronavirus pandemic.

Si De Los Santos ay umani ng mga gintong medalya sa Balkan Open E-Tournament na ginanap mula Hulyo 23 hanggang Agosto 2, E-Tournament Korokotta Cup 2020 mula Hunyo 19 hanggang 29, at sa Palestine International Karate Cup na ginanap mula Mayo 12 hanggang 24.

Nanalo rin siya ng pilak sa Adidas Karate World Open Series 2020 noong Hulyo 22 at bronze medal sa 1st Dutch Open E-Tournament na ginawang Hunyo 22 hanggang 30.

Source: Good News Pilipinas

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: