Press "Enter" to skip to content

Pinoy, Nadiskubre Kung Paano Mawawakasan Ang Pagdami Ng Itlog Ng Lamok

Kakaiba ang nadiskubre ng isa na namang Pinoy, kung paano patayin ang mga itlog ng mga lamok. Magandang balita ito lalo ngayong tag-ulan at uso ang dengue.

Dengue outbreak mapigilan

Si Lyle Christian R. Herbosa, isang Filipino inventor, ay naka diskubre kung paano ma sugpo ang pagdami ng mga itlog ng lamok, malaking tulong ito sa pag iwas ng dengue outbreak.

Pinoy, Nadiskubre Kung Paano Mawawakasan Ang Pagdami Ng Itlog Ng Lamok 2
Photo Credits: Department Of Science & Technology

Ang Kiti-kitiX

Tinawag na MYKL Kiti-KitiX, at may 60-90% calcium calcium hydroxide at 5-40% clinoptilolite. Ayon sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), University of the Philippines, Los Baños– Center for Health Development (UPLB-CHD), and the Bureau of Animal Industry (BAI), na ang gawa ni Herbosa ay epektibong sa pag control sa pag usbong ng mga adult mosquitos, na siyang may kakayahan sa nagpapalaganap ng mga sakit.

Pinoy, Nadiskubre Kung Paano Mawawakasan Ang Pagdami Ng Itlog Ng Lamok 3
Photo Credits: Youtube

Sabi ni Herbosa,

“My product targets eliminating the early stages of the mosquito. This will terminate the life cycle of the mosquito, therefore, stopping any emerging adults from spreading dengue.”

“Unlike my competitors, said repellent/killing agents only kill the mosquitos present in the area while my product prevents them from multiplying and spreading the disease.”

Pinoy, Nadiskubre Kung Paano Mawawakasan Ang Pagdami Ng Itlog Ng Lamok 4
Photo Credits: PhilippinesListed

May pilot testing na

Ang produkto na gawa ni Herbosa, ay kasalukuyang, tini-test sa apat na areas sa bansa, ito ay; Davao Region at Cordillera Administrative Region. At ang dalawang ahensya ng DOH dito ay parehong nagbigay ng magandang resulta sa tungkol sa bisa ng produkto.

Ang  MYKL Kiti-kitiX project ay isa sa mga unang nakatanggap ng award mula sa Department of Science and Technology – Technology Application at Promotion Institute (DOST-TAPI) iTECH Lending Program in partnership with Land Bank of the Philippines.

Pinoy, Nadiskubre Kung Paano Mawawakasan Ang Pagdami Ng Itlog Ng Lamok 5
Photo Credits: PestSeek

At nabigayan ng funding na nasa mahigit Php 10.625 million para sa ika-improve pa ng produkto at para ma-ilunsad at maging available na sa market.

Ibang mga gawa laban sa dengue

Ang DOST ay may mga ibang sinuportahan ding mga research na mura o affordable na a test kit para sa dengue, ito ay ang, Dengue Test Kit called Lab-in-a-Mug na gawa ng University of the Philippines scientists, at may gawa naman sa Philippine-made COVID-19 Test kit.

Pinoy, Nadiskubre Kung Paano Mawawakasan Ang Pagdami Ng Itlog Ng Lamok 6
Photo Credits: GoodNews Pilipinas

Filipino science researchers naman galing sa De La Salle Medical at Health Sciences Institute sa tulong at suporta ng DOST ang may gawa din sa world’s first anti-dengue medicine.

Ang Filipino dengue case predictor Project AEDES naman ay nanalo sa NASA Space Apps Challenge global hackathon.

Pinoy, Nadiskubre Kung Paano Mawawakasan Ang Pagdami Ng Itlog Ng Lamok 7
Photo Credits: GoodNews Pilipinas

Ang mga ito, ay ilan lang sa mga imbensyong Pinoy, na tunay na nagbibigay karalangalan sa bansa.

Source: Department of Science & Technology

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: