Press "Enter" to skip to content

Pinoy Seaman Natagpuang Patay Sa Isang Cruise Ship

Last updated on June 7, 2020

Isang Filipino seaman ang natagpuang patay sa loob ng cruise ship ayon sa US Coast Guard. Ang sanhi ng pagkamatay ayon sa report ay suicide.

Pag kikil ng buhay

Ang nangyarjng ito ay isa sa mga naitalang mga kaso ng sucicide sa mga seafarers nitong panahon ng pandemia. Ang biktima ay isang 32-year old tripolante ng Scarlet Lady. Ang naturang barko ay pag-aari ng Virgin Voyages, isang Florida based company. Nagpa-abot  ng pakikiramay ang may-ari sa mga pamilya ng nasawi. Ngunit walang detalye ng sanhi sa pagkamatay ng biktima na ibinigay.

Pinoy Seaman Natagpuang Patay Sa Isang Cruise Ship 2
Photo Credit: Dennis Woodward

Dagdag pa sa report ang barko ay naka takdang maglayag noong Marso ngunit hindi natuloy dahil sa covid pandemia kaya nanatili ito sa  karagatan ng Florida at ang mga tripolante.

Hindi malinaw na detalye

Ayon sa blog na Cruise Law News, nagsaad ito na may anonymous sources na nagsabing hindi  malinaw kung kailan namatay ang biktima. Ang unang naulat ay ang biktima ay nagtratrabaho bilang cleanaer sa ship’s guest quarter. Ang mga labi ng biktima ay naihatid na sa port ng Miami, ayon sa blog at Herald.

Pinoy Seaman Natagpuang Patay Sa Isang Cruise Ship 3
Photo Credit: GMA Network

Nitong buwan ng Mayo, may nalathalang anim na kaso ng pagkamatay ng crew sa cruise ships sa buong mundo at 5 ang kaso ng suicide.

Malayo sa pamilya

Ang mga tripulante ng barko ay nakakaharap ng kahirapan sa pagpapa-uwi ng kanilang mga tripolante sa barko at nanatili pa sa mga karagatan habang nag a-antay at walang katiyakan kung kailan maka uwi.

Pinoy Seaman Natagpuang Patay Sa Isang Cruise Ship 4
Photo Credit: Chan Min Thet

Sa kabilang panig, ang pagpapa uwi mg mga tripolante ay nag depende sa health and safety measures sa mga ports sa mundo. At ang lalong nagpapa hirap ay ang paglimita ng international flights na ipinatu-tupad sa ibat-ibang mundo. At merong mga bansa na mismong  mga citizens nila ay di pinapayagang maka uwi dahil sa global crisis na dulot ng pandemia.

Source: Gma News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: