Press "Enter" to skip to content

Pinoy Seamen Nameke Ng COVID-19 Test Result? Kaya Mga Bansa Sa Asia Umayaw Na Sa Crew Change

Hindi pa nangalahati ang pagpapa uwi sa mahigit 600,000 seamen na stranded sa mga barko at bansa nila, ay may mga bansa na sa Asia na nagsimula nang nagsara at naghigpit sa crew change. Mga Pinoy Seamen naiipit na naman!

Ano ang nangyari

Ayon sa naibalita, ang Hongkong authorities ay nagdeklara na ng ban at paghigpit ng crew change. Ganun din sa Singapore at Malaysia. Ayon sa ibang ulat, maging compulsory na ang 14 days quarantine sa mga seafarers na baba o dadaan sa kanilang mga daungan at paliparan.

Pinoy Seamen Nameke Ng COVID-19 Test Result? Kaya Mga Bansa Sa Asia Umayaw Na  Sa Crew Change 2
Photo Credits: Hongkong Asia’s World’s City

Sa Singapore, Singapore-flagged ships lang ang pinayagang mag crew change sa bansa. Habang ang Hongkong, ay mga barko na may mga cargo operations lang ang makasagawa ng crew change sa kanila. At ganun din sa Malaysia.

Naging mahirap at halos imposible

Kung ang bagong requirement ang susundin, ay lalong pahirap ito sa mga seafarers. At tila imposible na ang pagsasagawa ng crew change dahil naging mas magastos at hahaba ang proseso.

Pinoy Seamen Nameke Ng COVID-19 Test Result? Kaya Mga Bansa Sa Asia Umayaw Na  Sa Crew Change 3
Photo Credits : Splash 24/7

Hindi katulad sa mga naunang requirements na, sasailalim sa COVID-19 testing sa mga accredited centers ang mga seafarers at kung may mga nagpositive saka lang e require ng quarantine. Pero ngayon mandatory ang 14 days quarantine sa lahat.

Pinoy seamen ang sinisisi

Mikhail Voytenko, isang writer sa mga maritime news, ang pinutakte sa kanyang sinulat na, Pinoy Seamen ang nameke ng COVID-19 Test result, kaya naghigpit ang mga bansa pagsagawa ng crew change, ayon sa sulat niya.

Pinoy Seamen Nameke Ng COVID-19 Test Result? Kaya Mga Bansa Sa Asia Umayaw Na  Sa Crew Change 4
Photo Credits : Splash 24/7

Pero sa ibang lumabas na ulat, ang Singapore authorities, ang nag highlight na may mga Filipino seafarers na lumabag sa quarantine procedures at nag presenta ng mga pekeng COVID-19 results. Habang ang Hongkong ay nagsabi na ang unrestricted crew change policy nila ang isa sa dahilan sa pagtaas ng virus infection, kaya maghihigpit na sila.

Agad ipinawagan

Ayon sa isang international news agency, nakakuha sila ng picture ng mga binibentang COVID-19 test result sa halagang $2 o mahitig P100 lamang sa Manila.

Pinoy Seamen Nameke Ng COVID-19 Test Result? Kaya Mga Bansa Sa Asia Umayaw Na  Sa Crew Change 5
Photo Credits: GMA News

Kaya, agad nanawagan si Carl Martin Faannessen, isang crewing specialist based in Manila, sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na mamagitan sa isyung ito.

Sa ngayon ay wala pang naging pahayag ang Pilipinas dito. At libo libo pa ang mga seamen na hindi nakaalis o naka uwi, at patuloy na umaasa na maging madalas na ang pagsasagawa ng crew change.

Pinoy Seamen Nameke Ng COVID-19 Test Result? Kaya Mga Bansa Sa Asia Umayaw Na  Sa Crew Change 6
Photo Credits: FB /The Seafarer’s Wife’s Diary PH

Ayon sa International Transport Workers’ Federation (ITF), nasa mahigit 600,000 mga seamen ang stranded. Nasa 300,000 nito ang nasa barko at 300,000 naman ang na trapped sa mga lugar nila at nawalan ng oportunidad na kumita muli dahil sa kawalan ng crew change.

Source: Splash 24/7

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: