Press "Enter" to skip to content

Planong Homeschool System Ng DepEd, May Pangamba Ang Ilang Mga Magulang

Isang blended learning o online classes ang ginawang solusyon ng Department Of Education para sa pag-uumpisa ng klase ngayong taon, ngunit may ilang mga magulang ang nagkaroon ng pangamba para sa pag-aaral ng kanilang anak sa ganitong sistema.

Ang sistema

Ayon sa ulat ni Mark Salazar noong ika-29 ng Mayo kung saan ilan sa mga magulang na kanyang nakapanayam ay nagkaroon ng pangamba para sa ganitong sistema ng pag-aaral. May ilan sa mga magulang ay pakiramdam nila na maaring hindi nila maabot ang hamon ng bagong sistema na ito.

Ang Sistema- DepEd
Photo Credit: Philstar

Ang bagong sistemang ito ng DepEd ay kung saan ang bahay ang magsisilbing paaralan at ang mga magulang ang magiging tagapagturo. Ang mga kakailanganin ng bawat subject gaya ng module, study guides, activity worksheets, quizzes, dictionary at ilan pang gamit sa eskwela ay ipamamahagi sa bawat tahanan o maaring magbigay ng skedyul sa pagkuha ng mga ito.

Ang pangamba

Si Jay Santiago na may anak na grade 1 at grade 5 ay sinabing baka mag nose-bleed diumano ito kung ang subject ay English at Science dahil para dito ay mahirap diumano ang mga subject na ito, maliban na lamang kung ang pag-aaralan ay salitang pilipino.

Ang Pangamba- DepEd
Photo Credit: Gma

Ang iba pang pangamba ng magulang ay ang mabagal na supply ng internet, budyet sa internet at ang oras, dahil may mga magulang na parehas na nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Bukod dito ay baka diumano imbes na gamitin ang internet sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay gamitin ito sa paglalaro ng mga online games.

Ang paghihikayat

Sa kabilang banda sinabi naman ni Dr. Nerissa Losario, Division Superintendent of DepEd Caloocan sa mga magulang na huwag sukuan ang sistemang ito. Ayon pa dito, kung walang oras o kakayanan ang ibang magulang ay mayroon naman mga ate, kuya na pwedeng gumabay sa mga ito.

Ang Paghihikayat- DepEd
Photo Credit: Gma

Ang DepEd ay pinagtatrabahuan ang paggamit ng broadcast media at internet upang maihatid ang edukasyon sa mga mag-aaral. Gumawa ang departamento ng mga module upang mai-print at kopyahin para sa mga walang gadget at pag-access sa internet. Ang facebook ang isa sa gagamiting plataporma upang makakonek sa estudyante at magulang kung saan mas pamilyar ang mga ito.

Samantala pursigido ang pagtuloy ng klase para sa taong ito gamit ang mga nabanggit na sistema partikular na ang blended at flexible learning. – DepEd Education Secretary Leonor Briones 

Source: GMANews

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: