Press "Enter" to skip to content

Planted Ba? DrOga Sa Bulsa Ni Kuya, Namagic Nga Ba?

Matagal na umiikot ang bali-balita na ang mga otoridad at nagmamagic at nagtatanim ng droga at ebidensya. Ngunit sabi-sabi lamang ito at hindi naman napapatunayan. Totoo man o hindi, nanatiling walang laban ang mga tao kapag nagsamantala ng posisyon ang mga nasa taas.

Ebidensya

Isang paraan upang maipalabas ang totoo ay kung mavivideohan ang pangyayari. Katulad nalang nitong video ng isang buy bust operation. Makikita sa video na may isang lalaki na kinakapkapan at hinuhuli. Ito ay walang pantaas na damit at nakashorts lamang.

Planted Ba? DrOga Sa Bulsa Ni Kuya, Namagic Nga Ba? 2

Isang nakasibilyan na opisyal ang kumakapkap sakanya habang nakatayo sa gilid ang iba nitong kasama. Sa video makikita na kinakalkal ng opisyal ang mga bulsa ng lalaki hanggang na may makuha ito na nakapaketeng drOga.

Hinagpis at sigaw

Matapos makuhaan ng drOga, hindi na napigilan ng lalaki ang lumuhod at umiyak. Habang ang mga kasamahan nito na nasa likod ng nagvivideo ay nagiyakan na at nagsisisigaw. Marami ang sumisigaw na wag manlaban at kung ano ano pa.

Planted Ba? DrOga Sa Bulsa Ni Kuya, Namagic Nga Ba? 3

Tila ba sinasabihan ang kasama nila na sumunod nalang sa humuhuli sakanya ngunit kita ang hinagpis sa mukha ng lalaki.

Planted nga ba?

Sa caption ng video na ito, nagtanong ang original poster kung magic daw ba o totoo. Sinasabi nito na halatang tinaniman daw umano ang lalaki ng droga habang kinakapkapan at hinahalungkat ang mga bulsa nito.

Planted Ba? DrOga Sa Bulsa Ni Kuya, Namagic Nga Ba? 4

Sa comments section naman, hati ang opinyon ng mga tao. May mga naniniwala na planted, pero marami padin ang nagsasabi na hindi.

May nagsabi rin na PDEA daw itong mga humuhuli kaya naman kampante sila na walang daya o magic na magaganap. At talaga daw may droga sa bulsa ang lalaki at wag na daw gumawa ng issue ang nagpost.

Kung papanoorin niyong mabuti, ano ang palagay niyo? Magic o hindi?

Source: Chris Tapiro

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: