Press "Enter" to skip to content

‘PLDT Doesn’t Care’: Twitter Account Ng PLDT, Na Hack Ng Isang Grupo Dahil Sa “Mabilis” Na Serbisyo

Isang grupo ng mga hacker ang nagawang makapasok sa Twitter account ng Philippine Distance Telecommunication o PLDT. Matapos palitan ang pangalan, ang nag post ito ng mga mensahe laban sa mabagal na sebisyo ng nasabing Telco company.

PLDT Doesn’t Care

Mula sa account name na @PLDT_Care, pinalitang ito ng PLDT Doesn’t Care ng grupo ng mga hacker na nagpakilala bilang Anonymous group. Nangyari ang pang hahack nitong Huwebes, Mayo 28.

‘PLDT Doesn’t Care’: Twitter Account Ng PLDT, Na Hack Ng Isang Grupo Dahil Sa "Mabilis" Na Serbisyo 2

Ayon sa grupo, kailangan ng mga Pilipino ng mabilis na internet connection lalo na ngayong panahon ng pandemic. Marami kasing reklamo ang natatanggap ng nasabing kompanya dahil sa mabagal na serbisyo nito. Hindi umano sulit ang binabayad ng mga kostumer sa bagal ng connection na ibinibigay nito.

“As the pandemic arises, Filipino need fast internet to communicate with their loved ones. Do your job. The corrupt fear us, the honest support us, the heroic join us. We are Anonumous. We are Legion. We do not forgive. We do not forget. Expect us.”

Babala ng PLDT

Matatandaang kailan lamang ay nagbigay pa ng babala ang nasabing kompanya sa kanilang mga konsumer na mag ingat sa mga hacker na maaaring manamantala ngayong panahon ng krisis bunga ng COVID-19. Ngayon, sila mismo ang napasok ng hacker at pineperwisyo.

Sa isang hiwalay na post, nagbigay ng babala ang grupo sa Globe Telecom. Maari kasing sila na ang kasunod na ihahack dahil marami ring reklamo sa kanilang serbisyo. Ang mabagal na internet connection ay isa sa problemang kinakaharap ng bansa. Hindi kasi umano naibibigay ng tama ang pinangako nilang bilis sa connection.

Pastor Quiboloy

Imbes na mangamba ay mas marami pa sa mga netizen ang natuwa. Anila, dapat lang ma hack ang nasabing kompanya dahil hindi maayos ang serbisyo nito. Sana rin umano ay matakot na ang PLDT at ayusin na nila ang kanilang ibinibigay na serbisyo.

Hindi rin maiwasan ng ilan na isipin na baka nagkakatotoo na ang banta ng pastor na si Quiboloy. Noong isang linggo lang kasi, nagbanta ito na ipapa “stop” ang Globe at PLDT dahil sa mabagal nitong serbisyo.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: