Press "Enter" to skip to content

PNP Chief Gamboa on Gen Sinas Bday Party: “I dont think na merong violation”

Inulan ng batikos ang mga larawan ng diumano ‘Manyanita’ o birthday surprise ni NCR Police Office Director Major General Debold Sinas noong ima-8 ng Mayo. Sa kabi-kabilang akusasyon ng ‘double standard’ sa ahensya ng Philippine National Police, dinepensahan ito ni PNP Chief General Archie Gamboa.

Depensa

Dinepensahan ni PNP Chief Gamboa ang kaliwa at kanang batikos sa kapulisan ngayon. Ito ay bunsod ng viral na mga larawan sa kaganapan ng birthday celebration ni P/M Gen Sinas. Aniya, hindi nya irereprimand si Sinas at ang team nito na sama-samang nagdiwang ng birthday celebration. Nangyari ang selebrasyon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

PNP Chief Gamboa on Gen Sinas Bday Party: "I dont think na merong violation" 2

Surprise party

Ayon pa kay Gamboa, manyanita o surprise birthday serenade lamang ang naganap.

“Walang party nangyari, ang sabi ni General Sinas. Probably nagkaroon ng mañanita,”

Depensa pa nito, naobserve naman daw ang social distancing. Nakasuot din ng face mask ang mga kapulisan na umatend sa selebrasyon.

Hinaing ng netizens

Hirit ng netizens, taliwas ang pahayag ni Gamboa sa mga larawang nakapost sa social media na kung saan ay makikita ang pagsasama sama ng mga attendees sa iisang upuan. Hindi din anila nasunod ang physical distancing ayon sa mga ipinapakita sa litrato. May mga hindi nakasuot ng face masks habang ang iba naman ay walang gloves.

PNP Chief Gamboa on Gen Sinas Bday Party: "I dont think na merong violation" 3

Akusasyon ng netizens sa ahensya ng kapulisa, may double standard ito sa pagpapatupad ng batas. Nakasaad anila sa Bayanihan Heal As One Act na ipinagbabawal ang mass gathering sa ilalim ng ECQ. Dapat aniya ay arestuhin ng kapulisan ang mga lalabag sa protocol.

Walang violation

Naniniwala naman si Gamboa na walang nilabag na batas si Sinas at ang grupo nito.

PNP Chief Gamboa on Gen Sinas Bday Party: "I dont think na merong violation" 4

“I don’t think na meron violation ito,”

Sa kabilang banda, bumwelta naman si P/Major General Debold Sinas sa mga akusasyon laban sakanya at sa kanyang mga tauhan.

“Actually, walang nagparty. Mga well-wishers ko iyon. ‘Yung mga tauhan ko na dumalaw, syempre tatanggapin ko iyon. Naka-mask naman sila, naka-gloves, at nagsocial distancing.”

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: