Press "Enter" to skip to content

PNR, Muli Nang Binuksan! Bagong Tren, Ginamit Na

Last updated on June 4, 2020

Nagsimula na muli ang operasyon ng Philippine National Railways o PNR sa unang araw ng Hunyo sa limitadong kapasidad sa gitna ng umiiral na General Community Quarantine o GCQ sa Metro Manila.

Nagsuspinde

Maaalalang nagsuspinde ang PNR ng kanilang operasyon noong ika-12 ng Marso upang magsagawa ng paglilinis at disinfection ng mga tren at opisina ng PNR dahil sa COVID-19. Nagbigay ng update ang PNR sa kanilang Facebook page na tinawag nilang “Track to Recovery” noong ika-15 ng Mayo para sa muling pagbubukas ng kanilang serbisyo.

PNR, Muli Nang Binuksan! Bagong Tren, Ginamit Na 2
Photo credits to PNR Facebook page

Limitadong kapasidad

Ang unang araw ng Hunyo ay ang unang araw ng implementasyon ng GCQ sa Metro Manila. Ito rin ang unang araw ng pagsisimula uli ng pagbiyahe ng mga tren ng PNR ngunit sa limitadong kapasidad. Ayon kay Transportation Secretary Arthur P. Tugade, ang pagbubukas muli ng PNR ay nangangailangan ng dahan-dahan, kalkulado, at paunti-unting pagkilos.

“Ayaw nating maging dahilan ng pagkahawa sa COVID-19 ang ating mga tren. Bukod sa pagsiguro ng mobility at convenience, nakaatang din po sa atin ang responsibilidad na tumulong sa pag-iwas ng pagkalat ng sakit na COVID-19.”

Ito ang naging pahayag ni Tugade.

Ang mga tren

PNR, Muli Nang Binuksan! Bagong Tren, Ginamit Na 3
Photo credits to PNR Facebook page

Sinabi ni PNR General Manager Junn Magno na walong tren muna ang ide-deploy para sa mga pasahero. Sa walong tren na ito, dalawang Diesel Multiple Unit o DMU ang meron na ang Pilipinas. Ang anim na bagong DMU ay galing Indonesia. Ang rota ng anim na tren ay Governor Pascual hanggang Bicutan, Tutuban hanggang Alabang, at Tutuban patungong Calamba. Dalawampu’t walo lahat ang train cars na seserbisyo.

“Anim (6) po sa walong tren na gagamitin (simula bukas) ay mga bagong DMU trains. Bukod po sa pagiging mas ligtas at komportable ng mga ito, gawa sa PVC ang mga silya nito na mas madaling linisin at mas hindi kakapitan ng mga sakit.”

Ayon sa Department of Transportation o DOTr, ang mga DMU trains ay may upuang gawa sa PVC na maaaring linisin at i-disinfect. Magiging madali din ang pagbiyahe ng tren dahil mayroon itong driving engine sa magkabilang dulo na gagawing mabilis ang pag-ikot kada biyahe.

Ang mga tren ng PNR ay may mga marka ng stickers kung saan maaaring umupo o tumayo ang mga pasahero para maobserbahan ang physical distancing. Pati ang ibang lugar ng mga istasyon ng PNR ay mayroon na ring marker stickers.

“Bilang paghahanda sa balik-operasyon, nagsagawa po kami ng simulation hindi lamang ng operasyon, kundi pati na rin ng aming cleaning and disinfection protocol upang masiguro na malilinis ang ating mga bagon sa pinakamaiksing oras, upang maging ligtas ang mga pasahero at hindi maging cause of delay ng operasyon ng ating linya ang paglilinis.”

Ito naman ang naging pahayag ni GM Magno bago buksan ang operasyon.

Unang araw ng Hunyo

PNR, Muli Nang Binuksan! Bagong Tren, Ginamit Na 4
Photo credits to PNR Facebook page

Sa raw ng pagsisimula, walo sa 30 pasahero kada istasyon lamang ang pinapayagang bumiyahe. May mga pasaherong naghintay ng apat hanggang 5 oras para lang makasakay.

Ito ang isang pahayag ni Gretchel Giana, isang commuter:

“Nakakainis na. Hindi naman kasi sila nag-advise agad, nag-start pa sila magpapila ng 6 o’ clock. Ang sabi nila 7 o’ clock pero na-cancel nga raw, tapos sabi 8 o’ clock mag-iintay na sana ako tapos ngayon 9:06 hindi pa sure.”

Na-delay din ang mga tren ng PNR. Anim sa tren nila ang na-delay dahil sa mga basurang itinapon sa mga riles ng tren. Ang mga basurang itinapon ay sinabing nasa bandang gilid na maaring mahigop at makakagawa ng pagkaabala sa mga tren, ayon kay PNR Head of Operations Jocelyn Geronimo.

Sinabi na ng PNR na aayusin na nila ang mga problema sa pagkaabala sa pamamagitan ng pagdadagdag ng dalawa pang tren sa Hunyo 2 na susundan pa ng pagdadagdag ng tren sa loob ng linggong ito hanggang maging sampu na ang bumibiyahe.

Sources: DOTr Facebook page

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: