Press "Enter" to skip to content

Police Major At Sarhento Arestado Dahil Sa Pangingikil Ng Pera Sa Mga May-ari Ng Fishing Vessels Sa Bicol Region

Last updated on July 14, 2020

Isang police major at police sergeant ang inaresto matapos isagawa ang entrapment operation ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) dahil sa kinasangkutang extortion na biniktima ang mga may-ari ng fishing vessels sa Bicol Region.

Ang dalawang pulis na suspek

Ang dalawang pulis na ito ay sina Maj. John Murray Cutaran, pinuno ng 502nd Maritime Police Station na nakabase sa Masbate City, at Staff Sgt. Rommel Naval.

Sabi ni IMEG director Brig. Gen. Ronald Lee, ang manhunt operation ay isinasagawa ngayon laban sa dalawa pang mga kawani ng Cutaran, na kinilala bilang sina Police Lt. Melencio Huela at Staff Sgt. Ronald Puerto.

PNP chief wants Masbate cops involved in extortion racket ...
Photo Credit: Inquirer.net

Aniya,

“The entrapment operation was conducted following a series of validation of intelligence reports regarding the alleged extortion activities of Maj. Cutaran and his men.”

Ang operasyon

Sinabi ng opisyal, ang pinakahuling ulat na nagsilbing batayan para sa kanilang operasyon ay ang interception ng isang fishing vessel at ang pag-aresto sa skipper nito kasama ang 28 na crew.

Ayon kay Lee ang grupo ng Cutaran ay humingi sa may-ari ng fishing vessel na nakabase sa Cebu ng P400,000 kapalit ng pagpapalaya sa vessel at mga tauhan nito.

Ang operator aniya ng fishing boat ay humingi ng tulong sa kanila upang maaresto nga ang mga pulis at bumiyahe mula sa Bantayan Island hanggang Masbate City sakay ng isa pang bangka kasa-kasama ang mga undercover na opisyal ng IMEG.

Payo sa publiko

Timbog ang dalawang suspek sa isang entrapment sa Pier Site sa Barangay Bapor, Masbate City nitong Linggo ng umaga matapos na makatanggap ng P200,000 bilang marked money.

“They were immediately disarmed and taken to the Masbate Provincial Police Office. We will be filing criminal and administrative charges against them.”

Police Major At Sarhento Arestado Dahil Sa Pangingikil Ng Pera Sa Mga May-ari Ng Fishing Vessels Sa Bicol Region 2
Photo Credit: Integrity Monitoring and Enforcement Group

Hinimok ni Lee ang publiko na humingi ng tulong laban sa mga mapang-abusong pulis sa pakikipag-ugnayan sa PNP-IMEG sa pamamagitan ng mga sumusunod na hotlines:

  • Smart- 09989702286
  • Globe- 09957952569

Sinabi niya na ang publiko ay maaari ring mag-iwan ng mensahe sa Facebook page ng PNP-IMEG: Integrity Monitoring and Enforcement Group at sa kanilang Twitter account: @ imeg2017.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: