Press "Enter" to skip to content

Positibo Sa COVID-19 Sa QC, Kinumpirma Ni QC Mayor Joy Belmonte

Inanunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na mayroon ng kumpirmadong nagpositibo sa novel coronavirus – 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Quezon City.

Nakakaalarmang balita

Naalarma ngayon ang mga Pilipino sa sunod sunod na pagkupirma ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Nabahala ang lahat matapos na maganunsyo na rin ang alkade ng lungsod ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte at kinumpirma na mayroon nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang lungsod.

Positibo Sa COVID-19 Sa QC, Kinumpirma Ni QC Mayor Joy Belmonte 1

Sa isang panayam ng CNN Philippines kay Health Assistant Secretary, Maria Rosario Vergeire, sinabi niyang isa ang kaso na ito sa sampung kumpirmadong kaso ng COVID-19 na kinumpirma ng DOH (Department Of Health)

Patuloy ang imbestigasyon

Ayon kay Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council head Myke Marasigan, ipinaalam ito sakanila ng Alkalde habang isinasagawa nila ang kanilang Flag Ceremony. Patuloy naman ang imbestigasyon na isinasagawa ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Quezon City sa iba pang posibleng nahawaan nito. Sa ngayon ay walang inilabas na iba pang impormasyon ang Alkalde patungkol kung sino ang nagpositibo at kung nassaang hospital ito ngayon.

Labis na pagkatakot at pagkabahala

Samantala, labis naman ang takot at pagka-bahala ngayon ng lahat dahil sa sunod sunod na pangyayari hinggil sa kumakalat na COVID-19. Marami na ngayon ang gingawa ang lahat upang makaiwas at mapanatili silang ligtas.

Palala sa lahat

Pinaaalalahanan naman ng DOH ang lahat na sundin ang mga payo nila ukol sa kung ano ang mga kailangang gawin upang makaiwas sa COVID-19 at ipinapakiusap nila na magtungo agad sa pinakamalapit na hospital kung sakaling makaramdam sila ng alin mang sintomas.

Wag maniwala sa fake news

Ayon rin sa DOH, huwag basta-basta maniwala sa mga kumakalat na balita ukol sa kung paano mapapatay ang virus. Kalat sa social media ngayon ang kung ano anong payo sa kung paano mapapatay ang COVID-19 kung sakaling mahawaan ka nito. Hiling ngayon ng DOH ang pakikiisa ng lahat at huwag na sanang dagdagan ang pangamba na nararamdaman ng mga pilipino.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: