Press "Enter" to skip to content

Positive Na Nga Pinauwi Pa! QC Health Centers Kulang Na Sa Lugar

Positive Na Nga Pinauwi Pa! QC Health Centers Kulang Na Sa Lugar 2

Gulat ang bumungad kay Quezon City mayor Joy Belmonte nang mapag-alaman niya nitong Linggo na pinauwi ang tatlong kumpirmadong covid patient sa kanilang mga tahanan. Ito ay bunsod nang nagkakaubusan na ng bed space ang mga health facilities sa kanilang nasasakupan.

Pull-out

Agad namang nagpadala si Belmonte ng mga health officers sa lugar ng mga covid patients na pinauwi upang pansamantalang alisin ang mga ito sa kanilang lugar. Ito ay para hindi na maikalat o maipasa pa sa iba ang virus. Ang tatlong pasyente ay kumpirmadong nakatira sa iilang depressed communities sa kanilang syudad. Tumanggi naman si Belmonte na pangalanan ang mga nasabing urban poor communities na ito.

Nakakatakot

Nang umabot ang balita kay Belmonte, ito ang kanyang pahayag,

“a little shocking and a little disturbing’’.

Ngunit, napag-alaman din na ang mga nasabing covid patients na mga ito ay nagpapakita lamang ng very, very mild symptoms. Ayon pa rito, ang pagiging asymptomatic ng mga ito ang posibleng dahilan kung bakit pinauwi ng mga health workers ang tatlong pasyente.

Dagdag na facility

Ayon pa kay Belmonte, isang hotel sa kanilang lugar ang ginamit pansamantala bilang facility kung saan ihahandle ang mga persons under investigation o tinatawag na PUIs. Nagsimula nang magoperate ito noong Huwebes. Ang bawat kwarto ang magiging pansamantalang kwarto ng bawat pasyente kahit pa man ay nagpapakita ito ng hindi malalang sintomas. Layon nito na pansamantalang ilayo ang mga ito sa komunidad upang hindi na kumalat pa ang virus.

Extreme ECQ

Kinumpirma din ni Belmonte ang kakulangan ng pasilidad sa kanilang syudad dahilan upang mapauwi ang ibang pasyente habang naghihintay ng resulta ng kanilang test. Aniya,

“So, even if they’re positive, they get sent home.”

Kasalukuyang apat na barangay ngayon ang naisailalim sa extreme enhanced community quarantine na kung saan ay may higit sa isang kumpirmadong pasyente ang naitala.

Source: Facebook Manila Bulletin, Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: