Press "Enter" to skip to content

Power! Frontrow Millionaires’ Club Member, Ipina-Tulfo Ang Kanyang Mga Boss

Isang Frontrow member ang viral ngayon dahil sa pagdulog nito ng problema nito sa Raffy Tulfo In Action laban sa mga may-ari ng pinagtatrabahuang kumpanya.

Power! Frontrow Millionaires' Club Member, Ipina-Tulfo Ang Kanyang Mga Boss 1

Inirereklamo ng Frontrow member na si Dave Villanueva ang mga boss diumano ng Frontrow na sina RS Francisco at Sam Verzosa.

Power! Frontrow Millionaires' Club Member, Ipina-Tulfo Ang Kanyang Mga Boss 2

Inilahad ni Villanueva ang mga pinagdadaan nito sa kamay ng Frontrow. Aniya ay finorfeit ng kumpanya ang mga sales at cash rewards nito simula Oktubre hanggang ngayon.

Issue sa Boracay

Ayon kay Dave, nagsimula ang lahat nang ang downline member ng kanyang grupo ay nasangkot sa isang viral photo na kung saan ay nakaladkad ang pangalan ng Frontrow.

Power! Frontrow Millionaires' Club Member, Ipina-Tulfo Ang Kanyang Mga Boss 3
Photo: Buzzooks

Nagtamo ng maraming pambabash ang member ng Frontrow mula sa netizens ukol sa diumano ay life hack nito na isang mariing panloloko sa hotel na tinutuluyan nito sa Boracay. Nabanggit ang pangalan ng kumpanya na syang nagdala rito sa kahihiyan.

Power! Frontrow Millionaires' Club Member, Ipina-Tulfo Ang Kanyang Mga Boss 4

Ang member ng syang naging ugat ng problema ay nasa ilalim ng pamamahal ni Dave Villanueva. Bunsod nito ay ipina-hold at kalaunan ay finorfeit ang mga kinita diumano nito nang dahil sa isang insidente na wala itong kinalaman.

Power!

Liban pa sa isyu ng paghold ng mga kita ni Villanueva, inireklamo rin nito ang isyu nito sa pagkakaroon ng magagarang kotse na sya diumano ang nagbabayad ngunit protocol umano na ipangalan sa kumpanya.

Power! Frontrow Millionaires' Club Member, Ipina-Tulfo Ang Kanyang Mga Boss 5

Sa ngayon ay mayroon itong luxury cars tulad ng Montero, Mazda, at Mustang. Ang concern nito ay kung makukuha ba nya ang mga sasakyan na sya ang nag-downpayment at naghuhulog buwan buwan kahit hindi nakapangalan sa kanya.

Pekeng transformation

Napilitan namang ibulgar ni Villanueva na ang diumano viral transformation nito ay hindi epekto ng mga produkto ng kumpanya tulad ng kanyang mga minamarket noon. Sa ngayon ay hiling ni Villanueva na makapagtrabaho sa ibang kumpanya at umalis na sa networking ngunit pinipigilan umano ito na makausad ng mga boss.

Power! Frontrow Millionaires' Club Member, Ipina-Tulfo Ang Kanyang Mga Boss 6

Wala pa ding pormal na pag-uusap ang nagaganap sa gitna ng programa ni Idol Raffy at ng Frontrow para naman sa kanilang panig.

Part 1:

https://youtu.be/MWSHlWkL02U

Part 2:

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: