Press "Enter" to skip to content

PRD, Tinanggap Ang Bakunang Bigay Ng Russia. Magiging COVID-19 Free Na Nga Ba Sa Pasko?

Malacañang, Philippines – Tinanggap ni President Rodrigo Duterte ang alok ng Russia na supply sa Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19. Kampante niyang sinabi sa publiko na siya ang unang mag papaturok bilang pasasalamat sa Russia at para ma ipakita sa mga Pilipino na safe ang naturang bakuna.

Pahayag ng Pangulo

Sa kaniyang pahayag, sinabi ng Pangulo na maganda ang kinalabasan at “very promising” ang naturang bakuna. Ito ay matapos na magpahayag sa kaniyang virtual press briefing ang Russian Ambassador na si Igor Khovaev.

PRD, Tinanggap Ang Bakunang Bigay Ng Russia. Magiging COVID-19 Free Na Nga Ba Sa Pasko? 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Sinabi ni Khovaev na ang proposal para sa clinical trials at pruduksyon ng bakuna para sa Pilipinas ay nasa kamay na ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Pag pasalamat

Sa kaniyang public address ngayong Lunes, sinabi ni Duterte na lubos niyang ikinatuwa ang pag tulong at aksyon ng Russia para sa Pilipinas pa tunay lamang na ang dalawang bansa ay matalik na magkaibigan.

Ani ng Pangulo,

“Nagpapasalamat ho ako sa inyo sa mabuting loob ninyo sa Filipino. Someday, we will, makabayad man lang kami sa utang na loob sa inyo.”

PRD, Tinanggap Ang Bakunang Bigay Ng Russia. Magiging COVID-19 Free Na Nga Ba Sa Pasko? 3
Photo Credit: Manila Bulletin

Dagdag pa niya,

“I promise you that the Philippines and Russia will remain friends forever.”

Kaya naman bilang pasasalamat ng Pangulo sa Russua ay handa siya na magpa bakuna at para na din maipakita sa mga Pilipino na ito ay ligtas.

Ani pa ng Pangulo,

“Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat diyan. In public, magpa-injection ako. Ako yung unang ma-experimentuhan, okay sa akin. Sabihin ko rin kay President Putin that I have faith in your studies in combating COVID and I believe that the vaccine you have produced is really good for humanity.”

Dagdag pa nito,

“Pagdating yung doctor nila o doctor natin, ako ang unang magpabakuna. Tignan natin kung pwede ba. Kung pwede sa akin, pwede sa lahat.”

Clinical trials

Sinabi din ni Duterte na handa siyang suportahan ang Russia sa mga clinical trials sa Pilipinas at sa local production ng bakuna. Inutusan din nito at ini-appoint si Health Secretary Francisco Duque III na mamuno at makipag deal sa Russia.

PRD, Tinanggap Ang Bakunang Bigay Ng Russia. Magiging COVID-19 Free Na Nga Ba Sa Pasko? 4
Photo Credit: Manila Bulletin

Ani niya,

“Maghanap tayo ng Russian partner dito, papiliin sila natin ng tao, so that they can work expeditiously. Maganda ang takbo ng kanilang tao. We are extremely grateful.”

Dagdag pa nito,

“I am asking the Secretary of Health to look for the best guy to be dealing with Russia in this area – the transfer of technology of the vaccine.”

COVID-19 free sa Pasko

Matapos ang alok na bakuna mula sa Russia, sinabi ng Pangulo na matatas ang chansa na COVID-free na ang bansa ngayong Pasko.

PRD, Tinanggap Ang Bakunang Bigay Ng Russia. Magiging COVID-19 Free Na Nga Ba Sa Pasko? 5

Sambit nito,

“Hintay na lang kayo, kaunti na lang talaga. By December, sabi ko, in the fullness of God’s time, we will have a, hopefully, a COVID-free December and we can enjoy this Christmas season.”

Sinabi din ni Duterte na ang COVID-19 na mga bakuna ay nailalabas sa Septyembre ngunit kailangan pa nito dumaan sa maraming pag susuri.

PRD, Tinanggap Ang Bakunang Bigay Ng Russia. Magiging COVID-19 Free Na Nga Ba Sa Pasko? 6
Photo Credit: Sunstar

Ani niya,

“Dumaan na sa kanila ‘yang ano… the measures that would ensure that it is really safe. Tapos na ‘yan. Kaya lang, whether or not it is safe for a particular race, hindi natin malaman unless we go into clinical trials.”

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: