Press "Enter" to skip to content

Private School Sector, Humihingi Ng Tulong Sa Gobyerno Para Hindi Tuluyan Magsara

Nanawagan ang mga pribado at katolikong eskwelahan sa gobyerno ng tulong pampinansyal upang hindi tuluyang malugi. Dagdag pa dito, hiniling na tigilan na sana ang pagbibigay ng “mixed signals” tungkol sa pagbubukas ng klase.

Baka Mauwi Sa Pagsasara

Dagdag dito, kanila din iminungkahi na sana’y magbigay na ng pasya kung magdedeklara ba ito ng “school holiday” kasunod pa rin ng pandemyang dala ng COVID-19.

Sa isang panayam, hindi ikinaila ni Marist Brother, Manuel de Leon, outgoing president ng Notre Dame College of Kidapawan sa Cotabato, Mindanao na ang dapat unahing isaalangalang ngayon ay ang kaligtasan at kalusugan.

Ngunit kaniyang idiniin na humaharap sa matinding pagsubok ang mga paaralan dahil sa umiiral pa din ang quarantine at nararapat lang na umaksyon ang pamahalaan para hindi na lumala ang sitwasyon.

Private School Sector, Humihingi Ng Tulong Sa Gobyerno Para Hindi Tuluyan Magsara 2
Photo Credits: Lifestyle Inquirer

Aniya,

Government (must) come up with an official declaration or policy statement regarding opening of classes, rather than come up with different and confusing messages. I am just worried that further delay in the opening of classes will force some private schools to close down due to their inability to pay their personnel.

Deklarasyon ng Presidente

Una nang sinabi ng Presidente Duterte noon na walang pagbabalik sa eskwela na magaganap hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID-19. Pinabulaanan naman ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque habang nililinaw na ang ibig sabihin ng una ay walang “face-to-face classes” hangga’t umiiral ang quarantine protocols.

Private School Sector, Humihingi Ng Tulong Sa Gobyerno Para Hindi Tuluyan Magsara 3
Photo Credits: CNN

Dinagdag din sa huli na magpapatupad ng virtual education o online classes kapag hindi bumuti ang sitwasyon hanggang Agosto.

Matindi Ang Tama

Sa isang pahayag naman ay sinabi ng Cocopea (Coordinating Council of Private Educational Associations) na ang private education sector ang isa sa pinakamatinding natamaan ng lockdown.

Base sa kanilang datos 300,000 na guro at mga staff ang maapektuhan kung hindi magbubukas ang klase ngayon taon. Hinihikayat nito ang anumang uri ng suportang pang edukasyon para sa mga mag-aaral, magulang at mga paaralan.

Private School Sector, Humihingi Ng Tulong Sa Gobyerno Para Hindi Tuluyan Magsara 4
Photo Credits: Rappler

Pakiusap naman ni Fr. Alain Manalo ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP – grupo ng 500 pribadong paaralan) na hangga’t maari ay iwasan ng mga eskwelahan na mag-lay off ng mga empleyado dahil iba sa mga ito’y mayroon namang “savings”.

Nananawagan din si Rene Tadle, ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities of the Philippines ng tulong para sa mga guro at empleyado ng paaralan na mabigyan wage subsidy, scholarship sa pamamagitan ng mga voucher system – ayudang nakatuon para sa kapakinabangan ng mga naapektuhang manggagagawa sa larangan ng edukasyon.

Huwag Iwanang Nakabitin

Nagbabala si De Leon sa tumitinding pagkabahala dala ng pagsadsad ng ekonomiya bunsod ng lockdown. Aniya ang pagtigil ng pagkalat ng virus ay hindi kayang tiyakin ng pag-e-extend ng lockdown. Ito ay magtutulak lamang sa pagkabagabag ng mamamayan. Dagdag pa niya, magkakaiba ang sitwasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Aniya,

Guidelines and directives from government must be cohesive yet flexible, facilitative not restrictive.

Private School Sector, Humihingi Ng Tulong Sa Gobyerno Para Hindi Tuluyan Magsara 5
Photo Credits: Get Real Post

Imungkahi ni De Leon na sa halip na pag-abangin ang buong bayan, maaring hindi na kailanganin pang i-lockdown ang mga paaralan at ipagpaliban ang mga pang-komersyo gawain kung paiiralin ang mga hakbang-pangkaligtasan na natutunan mula sa lockdown.

Kaniyang tinapos ang mungkahi sa pamamagitan ng pag bigay ng isang kataga.

Aniya,

We don’t burn the whole house in order to kill the mice.

Source: Lifestyle Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: