Press "Enter" to skip to content

Profiling Daw! Pulis Na Nagpilit Isama Ang Isang Transgender Sa Presinto, Na-Relieve Na!

Viral ngayon sa social media ang video ng pagpipilit ng dalawang pulis sa isang transgender na dumalo sa profiling sa presinto sa Makati Avenue nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 14.

Viral video

Dumulog sa Raffy Tulfo In Action ang transgender na si Anne Pelos, ang pilit a pinapasama ng mga pulis sa diumano ay profiling sa presinto. Ayon sa inilahad ni Anne, nangyari ang insidente alas-onse ng gabi, pagka-out nito sa office.

Kasama nito ang iba pang mga katrabaho at balaj bumili ng pasalubong sa kanilang mga pamilya dahil Valentines Day nang araw na iyon. Sa tapat umano ng P. Burgos ay napansin na nila ang nakatambay na police mobile.

Profiling Daw! Pulis Na Nagpilit Isama Ang Isang Transgender Sa Presinto, Na-Relieve Na! 1

At doon nga ay nag-umpisa ang di kanais-nais na pag-approach sakanya ng lalaking pulis.
Ayon kay Anne, basta na lamang sya inimbitahan ng pulis na nagsabi,

Profiling Daw! Pulis Na Nagpilit Isama Ang Isang Transgender Sa Presinto, Na-Relieve Na! 2

“Hoy! Sumama ka sakin”

Profiling

Nang kwestyunin ng nagrereklamong si Anne at mga katrabaho ang diumano profiling ay sinabi umano ng pulis na may order sa kanila ang nakatataas na lahta ng transgender ay iimbitahan para sa profiling.

Profiling Daw! Pulis Na Nagpilit Isama Ang Isang Transgender Sa Presinto, Na-Relieve Na! 3

Ngunit bilang aware si Anne sa kanyang mga karapatan ay hindi ito sumama. Lahad pa nito kay Raffy, may mga nagsabi sakanya na may mga nagbigay babala sakanya na huwag sumama sa profiling sakali ay maimbitahan dahil may mga iilan sa mga LGBTQ ang kinukuhaan ng mugshot sa di malamang kadahilanan.

Pina-relieve na!

Nakapanayam naman ni Idol Raffy si Col. Rogelio Simon ng Makati PNP na kung saan ay ibinalita nito na na-relieve na ang dalawang pulis na sangkot sa viral video. Pagbabahagi pa nito, ang lalaking pulis sa video ay isasailalim sa mga Gender Sensitivity trainings.

Public Apology

Hangad naman ni Anne Pelos ang public apology mula sa mga pulis na sangkot sa viral video. Na sya namang sinang-ayunan at ipinangakong matutupad ayon kay Col. Simon.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: