Press "Enter" to skip to content

Programa Ng ABS-CBN, Asahang Patuloy Raw Na Masusubaybayan

Sa kabila ng 70-11 ”NO” na boto na ipinataw ng 18th Philippine Congress sa aplikasyon ng ABS-CBN network para sa pag-renew ng franchise na itinakda para sa isa pang 25 taon, ipagpapatuloy parin daw nila ang pagpapalabas ng mga programa para sa Pilipino.

Ang Kapamilya Channel

Ayon sa mga empleyado ng network, inasahan na nila ang desisyon ng mga mambabatas at naghanda na raw sila para sa anumang pwedeng mangyari.

Bago pa dumating ang Hunyo 13, higit sa isang buwan matapos mag-off air ang network dahil sa pag-expire ng francise, inilunsad ng ABS-CBN Corporation ang Kapamilya Channel, isang pansamantalang kapalit ng ABS-CBN Network Channel 2.

Programa Ng ABS-CBN, Asahang Patuloy Raw Na Masusubaybayan 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Ang Kapamilya Channel ay kasalukuyang ipinapalabas ang mga bagong episode ng ilang mga programa sa network, tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Love Thy Woman,” “A Soldier’s Heart,” “It’s Showtime,” “TV Patrol,” “News Patrol,” “The Voice Teens, ” at ” ASAP. “

Mga bagong programa

Ang mga bagong programa tulad ng “Iba Yan,” “Paano Kita Mapasasalamatan” (Judy Ann Santos), ” The World of a Married Couple” (K-Drama) ay ipinalabas na kamakailan lang.

Programa Ng ABS-CBN, Asahang Patuloy Raw Na Masusubaybayan 3
Photo Credit: Wow Pinoy TV Replay

Muli namang magbabalik ang ” The General’s Daughter,” na pinagbibidahan ni Angel Locsin kasabay ang drama anthology na “Maalaala Mo Kaya,” ni Charo Santos.

Ang mga ito at iba pang mga palabas sa ABS-CBN ay maaari na ngayong mapanood sa pay cable, satellite TV, at TFC.

Pahayag ni Katigbak

Sinabi ng pangulo ng network na si Carlo Katigbak, magpapatuloy silang maghahatid ng balita, serbisyo sa publiko, at entertainment sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo. Aniya ang pag-renew ng prangkisa ay lubos nilang ikinalungkot, ngunit naniniwala siyang dapat na magpatuloy ang pagbabahagi ng tunay na kwento ng mga Pilipino.

Carlo Katigbak
Photo Credit: Interaksyon

Ang Kapamilya Channel ay maaaring mapanood sa SKY, Cablelink, G Sat, TFC at masusubaybayan din ng mga member-cable operator ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa.

Ang desisyon ng Kongreso sa ABS-CBN franchise renewal bid ay lubos ngang ikinalungkot ng milyon-milyong mga Pilipino na tumatangkilik sa network mapa-balita, entertainment at serbisyo publiko.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: