Press "Enter" to skip to content

Project Krayola Ng Guro Sa Isabela, Inulan Ng Donasyon Matapos Mag Viral Ang Storya Ng Isang Estudyante

Nag viral ngayon at naging usap-usapan sa social media ang ibnahaging larawan ng isang Guro dahil sa nakaka-antig na mensahe sa kaniya ng estudyante.

Viral na larawan

Sa ipinost ni Velcher Castillo na isang guro mula Santiago City Isabela, kaniyang ibinahagi ang nakakaantig na mensahe ng kaniyang estudyante na walang pambili ng Krayola.

Project Krayola Ng Guro Sa Isabela, Inulan Ng Donasyon Matapos Mag Viral Ang Storya Ng Isang Estudyante 2

Kaya naman na durog ang puso ni Velcher matapos na humingi ng paumanhin ang kaniyang estudyante at nilagay na lang ng bata kung ano ang dapat na kulay ng bawat bahagi ng kanyang drawing sa kanyang assignment.

Ayon sa mensahe ng bata,

“Sorry sir, wala po akong pambili ng Krayola. Sorry po.”

Tagos sa puso

Kaya naman matapos na mabasa niya ang maikling mensahe sa kaniya ng estudyante ay napaluha ito. Sa Kwento pa niya sa isang istasyon, napabilib umano agad siya ng pang kulay upang maibigay ito sa mag-aaral sa sunod nilang pag kikita.

Aniya,

“Kitang-kita po yung kagustuhan ng batang lagyan ng kulay yung gawa niya ngunit dahil wala nga po siyang pambili sinulat niya nalang po yung mga kulay roon sa design niya para ma-visualize ko pa rin.”

Project Krayola Ng Guro Sa Isabela, Inulan Ng Donasyon Matapos Mag Viral Ang Storya Ng Isang Estudyante 3

Dagdag pa niya,

“Drawing lang kasi dapat yung ng kanilang batik design pero may sulat siya roon. Pagbasa ko iyon nga po yung nakalagay. Hindi ko po maipaliwanag yung naramdaman ko pagkabasa ko noon. Bigla na lang po ako naluha.”

Kaya naman walang ibang hangad si teacher na maibigay ang kaniyang Nabiling Krayola sa kaniyang estudyante. Sa simpleng paraan umano ay maramdaman parin ng bata na andyan si Sir para maabot niya ang pangarap.

Pag susumikap mag-aral

Kaya naman Tinawagan niya ito para ipaalam na mayroon siyang Munting surpresa para dito. Sa kanilang linya ng telepono ay naririnig niya na tila baga sinipon ang bata kaya ito ay kaniyang tinanong kung may sakit ito? Na sinagot naman daw siya ng kaniyang estudyanteng, lubos lang daw siya nagagalak dahil nakita niya ang nag viral na post nh kaniyamg guro.

Bukod pa dito, napag alaman din ni Teacher Velcher na nakiki-wifi lang din ang bata at walang sariling internet connection sa kanilang bahay. Kaya naman ramdam niya ang pinagdaraanan ng estudyante.

Project Krayola Ng Guro Sa Isabela, Inulan Ng Donasyon Matapos Mag Viral Ang Storya Ng Isang Estudyante 4

Aniya,

“Sa pamamagitan ng paggawa ng isang kumprehensibo at malikhaing modyul, pinaparamdam namin na kasama pa rin nila kami. Kahit na at kahit pa.”

Kaya naman nagkaroon si Velcher ng programa kung saan mas madami pang estudyante ang mabibigyan ng Krayola na magagamit sa kanilang pag-aaral.

SOURCE: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: