Press "Enter" to skip to content

Pulis At Militar, Pinaghahanda Ng Pangulo Sa Posibilidad Ng Mas Pinahigpit Na Quarantine

Nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes at sinabihan ang mga militar at pulisya na ipatupad ang mga hakbang sa pag-quarantine. Ito ay matapos mapansin ng mga opisyal na mas maraming mga tao ang nasa labas ng kanilang mga bahay at lumalabag sa alituntunin ng Luzon Enhanced Community Quarantine.

Ang pagbabanta

Sinabi ni Duterte sa televised address na inilalagay niya ang pulisya at militar sa standby para sa kanilang pagapapatupad ng mga mas mahigpit na hakbang sa quarantine kung patuloy ang mga tao sa paglabag sa mga alituntunin.

Pulis At Militar, Pinaghahanda Ng Pangulo Sa Posibilidad Ng Mas Pinahigpit Na Quarantine 2
News-REMATE ONLINE

Ayon sa kanya, humihiling lang siya sa mga tao ng disiplina. Kahit kaunti lamang. Sapagkat kung hindi sumunod ang mga tao, ang militar at pulisya ay gagawa na ng aksyon na tulad ng martial law.

Pulis At Militar, Pinaghahanda Ng Pangulo Sa Posibilidad Ng Mas Pinahigpit Na Quarantine 3
ABS-CBN News

“I’m just asking for your disiplina, Kaunti. Kasi kapag ayaw niyong maniwala, mag-take over pati military at police. Parang martial law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko.”

Dahilan ng pagbabanta

Ang banta ni Duterte ay nangyari matapos na mapansin ng mga opisyal ang pagtaas ng trapiko ng sasakyan sa mga kalsada at mga daanan. Pati na rin ang pagkakaroon ng sobrang traffic sa ilang mga pampublikong pamilihan.

Pulis At Militar, Pinaghahanda Ng Pangulo Sa Posibilidad Ng Mas Pinahigpit Na Quarantine 4
Rappler

Ang pulisya at militar ay nagsasagawa ng mga quarantine checkpoints. Nahuli din ng mga pulis ang mga lumalabag sa mga alituntunin sa quarantine at curfews.

Pagtugon

Upang matugunan ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan na naglalakbay sa EDSA at iba pang mga pangunahing daanan ng Metro Manila. Ang mga traffic enforcer mula sa Philippine National Police ay inatasan na siyasatin ang lahat ng mga pribadong sasakyan.

Pulis At Militar, Pinaghahanda Ng Pangulo Sa Posibilidad Ng Mas Pinahigpit Na Quarantine 5
ABS-CBN News

Ito ay upang matukoy kung ang mga driver at pasahero ay kabilang sa listahan ng mga taong pinapayagan na pumunta labas.

Mga kasama sa listahan

Kasama sa listahan ang mga manggagawa sa mga sektor na mahalaga sa panahon ng isang public health crisis. Ito ay tulad ng pangangailangang pang kalusugan, security, tugon sa emergency, mga banko, mga vendor, mga deliveries o logistics, at sanitation.

Pulis At Militar, Pinaghahanda Ng Pangulo Sa Posibilidad Ng Mas Pinahigpit Na Quarantine 6
Twitter

Ang isang tao naman sa bawat sambahayan ay pinapayagan na makakuha ng mahalagang pangangailangan, tulad ng pagkain at gamot sa araw na itinakda ng kanilng quarantine pass.

Sa kasalukuyan

Sa kasalukuyan, ang PNP ay nakaaresto ng 115,000 katao sa buong bansa na lumalabag sa mga hakbang sa lockdown. Ito ay sa kadahilanang hindi pagsunod sa mga alituntunin sa curfew.

Pulis At Militar, Pinaghahanda Ng Pangulo Sa Posibilidad Ng Mas Pinahigpit Na Quarantine 7
RMN Networks

Sa ngayon naitala ang kabuuang 5,660 kaso ng COVID-19, kasama na ang 362 na pagkamatay at 435 na pagkasaawi.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: