Press "Enter" to skip to content

Pulis Na Nagposas Sa Tindero Ng Mantika, Sinibak Sa Pwesto At Dinisarmahan Na!

Viral ngayon sa social media ang pagposas ng isang pulis sa isang tindero ng mantika. Nakarating na sa himpilan ng Raffy Tulfo In Action ang viral video ng insidenteng naganap sa Navotas.

Pulis Na Nagposas Sa Tindero Ng Mantika, Sinibak Sa Pwesto At Dinisarmahan Na! 1

Nag-amok o nantrip?

Ayon sa panayam sa biktimang si Jordan Abrantes ay bigla na lamang umano lumapit sa kanya ang pulis at akmang hinuhuli ito sa di malamang dahilan. Aniya ay nagaayos lamang umano ito ng mga panindang used oil na nakukuha nito mula sa mga restawran at wala itong iligal na gawain.

Dagdag pa ni Abrantes, may mga kasama ang inirereklamong pulis na nakilala sa pangalang PTMN Darwin Pagasita. Si Pagasita ay isang pulis na nagseserbisyo sa Navotas Police sa ilalim ng Anti-Drug Enforcement.

Ayon kay Angel Tubo na asawa ni Abrantes, ang mga kasama umano ni Pagasita ay asawa nito at dalawa pang lalaki na kinilala bilang kamag-anak ng asawa ng inirereklamo.

Hirit pa ng mag-asawa, kapansin-pansin na nakainom si Pagasita nang maganap ang insidente.

Sibak sa pwesto

Sa istoryang inilahad ni Abrantes, nang makahanap ito ng pagkakataon na makatakbo ay pinaputukan ito ng tatlong beses ng nasabing pulis. Aniya ay tila tinatarget umano sya nito mabaril ngunit sa mabuting kamay ng Diyos ay nanatili itong buhay at ligtas.

Agad namang inaksyunan ni Idol Raffy ang kaso at hiniling kay Col. Rolando Balasabas ng Navotas PNP na madis-armahan at masibak sa pwesto ang inirereklamong pulis.

Agad namang nabigyan ng katuparan ang request ni Idol at ngayon nga ay mahaharap sa kasong administratibo si Pagasita.

Takot at kaba

Pangako ni Idol Raffy sa biktima ay buong tulong na mapanagot si Pagasita. Kaba at takot naman ang namamayani sa mag-asawa para sa kanilang mga buhay dahil sa diumano ay naranasan nila sa Presinto Uno noong magsampa sila ng reklamo.

Anila ay tila nag-aabang umano ang mga kapulisan na diumano ay tropa ng kanilang nirereklamong pulis at inaabangan kung iuurong o magsasampa sila ng kaso.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: