Press "Enter" to skip to content

Pulis Na Walang Kadala-dala Kahit Patong-patong Na Ang Kaso, Inaksyunan Ni Idol Raffy

Isang pulis ang inereklamo nang kanyang misis dahil kahit patong-patong na diumano ang kasong ipinataw dito, ay patuloy pa din ang pangangaliwa at pang aabandona nito sa kanyang pamilya. Ang reklamo ay binigyang aksyon ng programa ni idol Raffy.

Ang reklamo

Si Police Corporal Jerry Domingo ang pulis ng Sultan Kudarat ang inirekalmo ng kanyang misis na si Cecilia Domingo dahil sa pag abandona sa kanila, pananakit pati na ang pangagaliwa nito. Inreklamo ito sa programa na Raffy Tulfo In Action noong ika-29 ng Mayo.

Ang Reklamo- Pulis
Photo Credit: Youtube

Ayon sa misis, bukod sa pananakit ay okay lang diumano sa pulis kung mag suporta ito o hindi para sa kanilang mga anak. Sinabi pa nito na nangungupahan lang diumano ito at kanyang mga anak sa bahay ng tyihain ng pulis habang ang kabit nito ay nagawang ibahay sa kanilang kampo.

Ang kaso

Ang pulis ay kasal sa nasabing misis at may apat na anak, kaya nang malaman nito na ito ay may kabit ay nagsampa ito ng kasong concubinage at violence against women and children. Ang kabit ay nakilala diumano ng nasabing pulis sa isang bar at saka iniuuwi sa kanilang kampo.

Ang Kaso- Pulis
Photo Credit: Youtube

Samantala kahit pa diumano nasampahan na ito ng patong-patong na kaso ay nagpatuloy pa din ang relasyon ng pulis at kanyang kabit at tuluyan ng inabandona ang kanyang pamilya. Kaya ito ay inilapit na ng misis sa programa ni idol Raffy at nagbakasakali na ito ay matulungan.

Aksyon ni idol

Matapos ang reklamo at pag konsulta sa isang abugado ng programa ay agad sinabi ni idol Raffy kay Police Major Darwin Castillo na kung maari ay hulihin ang nasabing pulis at pwersahang kaltasan ito ng malaking portion sa kanyang sahod upang ibigay sa legal nitong pamilya.

Ang Aksyon- Pulis
Photo Credit: Youtube

Nangako naman ang Major kay idol na tutugunan ang nasabing pakiusap nito para sa reklamo ng nasabing misis.

Narito ang nasabing reklamo

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: