Press "Enter" to skip to content

Pulis Pinalayas Ang Nangungupahan Sakanila At Pinagtatapon Ang Gamit Sa Gitna Ng ECQ

Isang maganak ang humihingi ng saklolo ngayon sa social media dahil sa pagpapalayas sakanila ng pulis na nagmamay-ari ng inuupahan nila. Ang masakit nito, sa kalagitnaan pa talagang ng Quarantine sila pinalayas.

ECQ

Ayon sa post ni Mary Cuer Nobleza, April 12 at kasalukuyang nasa Enhanced Community Quarantine ang kaMaynilaan nang palayasin sila sa kanilang inuupahan. Ayon sakanya pulis pa man daw ang may-ari. Noong panahon na iyon, wala silang nagawa kundi umalis na lang.

Pulis Pinalayas Ang Nangungupahan Sakanila At Pinagtatapon Ang Gamit Sa Gitna Ng ECQ 2

Wala daw silang nagawa noon kundi maglakad mula Pasay hanggang Antipolo. Kaunti lamang na gamit ang nadala nila dahil nga maglalakad lang sila.

Pagtatapos ng ECQ

Ngayon June, nang kanilang balikan ang ibang gamit na noon ay naiwan nila sa dating inuupahan, laking gulat nila nang wala na ang karamihan sa mga ito. Ayon sa mga kapitbahay nila doon, pinagtatapon daw ng may ari ng bahay dahil hindi naman na daw ito mapapakinabangan.

Pulis Pinalayas Ang Nangungupahan Sakanila At Pinagtatapon Ang Gamit Sa Gitna Ng ECQ 3

May mga natira pa namang gamit pero hindi daw nila makuha.

Kakaibang kondisyon

Ayon sa post, ayaw daw ibigay sakanila ang gamit nila hanggat hindi sila makakabayad ng dalawang buwan na upa. Ito ay sa kabila ng pangyayari at kahit wala silang trabaho at hindi naman sila nakatira doon ng dalawang buwan na.

Pulis Pinalayas Ang Nangungupahan Sakanila At Pinagtatapon Ang Gamit Sa Gitna Ng ECQ 4

Sinubukan pa raw nilang kausapin at tawagan subalit pinagmumura pa daw siya ng mga ito. Nagbanta pa daw umano ang may ari na kapag daw nakita siya doon ay kakalbuhin umano ito.

Dagdag pa ng may ari, kaya daw ganun ay dahil daw itinakas nila ang utang nila noong umuwi sila sa Antipolo. Subalit matatandaang pinalayas sila nito kaya naman naghihingi ng saklolo ang maganak.

Panoorin ang video dito:

Pulis na may ari Ng paupahan

Grabe naman si sir.Ito ung pulis na my ari ng inuupahan nmin sa pasay barangay 145 pinalayas nya kmi sa kagitnaan ng ecq umalis kmi pero iniwan nmi ibang gamit nmit kunting damit lng ang dala nmin ksi plano nming balikan pag my masasakyan na… Ngayon open na my masasakyan na pinuntahan nmin ang mga gamit wla na lahat ung mgA gamit nmin sabi ng mga kpit bahay nmin tinapon ndaw ung iba na hindi na mapapakinabangan at ung nsa knila daw.. Makukuha daw nmin un kung mkakabayad kmi ng dalawang buwan…. Ehh wla nga kmi ka pera2x ksi wlang trabaho..!!! Tas pinalayas nya kmi sa panahon ng ecq wlang sasakyan nilakad lng nmin galing pasay papuntang antipolo.. Tas ngayon sinabi nya samin na tinakasan daw nmin utang nmin sa kanila…… Nangyati po ito april 12. Ngaun lang nmin to pinost ksi kinuha nla mga gamit nmin doon at ung iba tinapon nila.. Tas ngayo tinawagan nmin cla pinag mumura nla kami at sinabi pag makita daw nla ako kakalbuhin daw nla ako.. Ano po dapat gawin nmin sana po matulungan nyu kmi.. 🙏🙏🙏🙏 Sana matulungan nyu kmi makaabot ito kay sir raffy tulfo please… Share nyu po..Courtesy of Mary cuer nobleza

Posted by Whiteyaspin on Wednesday, June 3, 2020

Source: Whiteyaspin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: