Press "Enter" to skip to content

Pulisya At Hepe Ng San Jose del Monte Bulacan, Sangkot Sa Eskandalo

Last updated on August 17, 2020

San Jose del Monte, Bulacan, Philippines – Hotseat ngayon ang pulisya sa alegasyon ng kidnapping, illegal detention with murder, and planting of evidence. Ito ay matapos nagsagawa ang NBI Death Investigation Division ng isang masusing pagsusuri ukol sa mga kanilang operasyon.

Buybust operation

Noong February 14-18, 2020 ay nag-ulat ang San Jose del Monte PNP Drug enforcement Unit ng tatlong hiwa-hiwalay na buybust operations. Ayon sa ulat ay mayroong anim na suspek na namatay.

Pulisya At Hepe Ng San Jose del Monte Bulacan, Sangkot Sa Eskandalo 2
Photo Credit: Twitter – Nikolo Baua

Ayon sa pulisya ay ayaw sumuko ng mga suspek at nanlaban. Dito na nakipagpalitan ng putok ang mga pulis na humantong sa kamatayan ng mga suspek.

Pulisya At Hepe Ng San Jose del Monte Bulacan, Sangkot Sa Eskandalo 3
Photo Credit: Twitter – Nikolo Baua

“Fake Operation”

Ayon sa imbestigasyon ng NBI ay gawa-gawa lamang ito ng pulisya. Ang mga biktima ay pawang kinidnap, pinosasan, piniringan at dinetain.

Pulisya At Hepe Ng San Jose del Monte Bulacan, Sangkot Sa Eskandalo 4
Photo Credit: Twitter – Nikolo Baua

Ayon sa ulat pagkaraan ng mga ilang oras ay dito na naganap ang nasabing buybust operation. Base sa mga larawan na naiprisinta, ang mga suot ng suspek noong sila’y nasa kulungan pa at nang matapos ang operasyon ang nagpapatunay na nakulong ang mga ito at hindi nanlaban.

Pulisya At Hepe Ng San Jose del Monte Bulacan, Sangkot Sa Eskandalo 5
Photo Credit: Twitter – Nikolo Baua

Imbestigasyon

Kasama sa ulat ang kahina-hinalang litrato kung saan galing ang mga droga at mga baril na ginamit umano ng mga suspek. Sinasabi ng NBI na ito’y mga ebidensiyang itinanim ng mga pulisya para palabasin na lehitimo ang operasyon ng pulisya.

Ilan sa mga kaanak ng mga biktima ay naghain ng report sa San Jose del Monte Police at inaakalang nawawala lamang ang mga biktima. Sinabi ng mga pulisya na hanapin ang kanilang mga kaanak sa mga ibang istasyon ng pulisya o di kaya’y funeral parlors sa lugar. Ayon sa imbestigasyon ng NBI, sa mga oras na naghahain ang mga kaanak ay nakakulong ang mga suspek.

Pulisya At Hepe Ng San Jose del Monte Bulacan, Sangkot Sa Eskandalo 6
Photo Credit: Twitter – Nikolo Baua

Kaso laban sa mga pulis

Naghain na ng petisyon ang NBI laban sa pulisya kasama ang kanilang hepe. iniimbestigahan sa ngayon ang iba pa sa kanilang mga naging drug-related operation.

Pulisya At Hepe Ng San Jose del Monte Bulacan, Sangkot Sa Eskandalo 7
Photo Credit: Twitter – Nikolo Baua

Tikom bibig hanggang sa ngayon ang pulisya ng San Jose del Monte ukol sa isyung ito. Dagdag pa na ayaw makisama ng hepe sa mga imbestigador upang mapadali ang kaso.

SOURCE: Business Mirror PH

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: