Press "Enter" to skip to content

Pulso Ng Netizens: Tama Lang Daw Ang Ginawa Sa Tindero Sa‌ QC?

Kahapon lamang ay nagviral ang isang video kung saan pinagpapalo ng yantok ng mga brgy. Officials ang isang tindera ng isda sa kahabaan ng Panay Avenue. Sa kabila nang pagmamakaawa ng tindero, patuloy padin ang pananakit at pangangaladkad ng mga tanod sakanya.

Tama lang yan!

Sigaw ng ibang netizens, tama lang daw ang ginawa nila dahil hindi daw ito sumusunod sa batas. Nagtatanong pa ang iba kung bakit daw kasi nasa labas siya ganung alam naman niya na bawal mamalagi sa labas dahil sa quarantine.

Pulso Ng Netizens: Tama Lang Daw Ang Ginawa Sa Tindero Sa‌ QC? 2

Sinabi pa ng ibang netizens na dahil daw sa mga taong ganito kaya daw hindi nauubos ang mga kaso ng‌ COVID-19 sa Pilipinas.

Pulso Ng Netizens: Tama Lang Daw Ang Ginawa Sa Tindero Sa‌ QC? 3

May iba din na nagtanong, bakit daw ba wala siyang quarantine pass e lahat daw ng bahay at pamilya dapat may isang quarantine pass.

Hindi tama yan!

Sa kabilang banda naman, may mga netizens na pinaglalaban ang paniniwala nila na kahit ano pang ginawa ng tindero laban sa batas ay hindi ito dapat saktan ng ganun.

Pulso Ng Netizens: Tama Lang Daw Ang Ginawa Sa Tindero Sa‌ QC? 4

Sabi ng iba, kung ang violation niya ay wala siyang facemask, bakit hindi nalang siya inabutan ng mga pulis. May nagpost pa ng video sa Vietnam kung saan ang pulis mismo ang namimigay ng facemasks sa mga tao.

Pulso Ng Netizens: Tama Lang Daw Ang Ginawa Sa Tindero Sa‌ QC? 5

Maririnig din sa background ng video na may residente na sumisigaw na hindi na tama ang ginagawa ng task force. Sa kabila ng pagmamakaawa ng tindero, tuloy padin sila sa pananakit.

Kayo din dapat!

May isang netizen naman ang nakapansin na kung social distancing rin lang daw ang pagbabasehan, dapat daw ay bugbugin din ang mga tanod para patas.

Pulso Ng Netizens: Tama Lang Daw Ang Ginawa Sa Tindero Sa‌ QC? 6

Kitang kita na tatlong tao ang sakay ng isang tryke bago nila sitahin ang tindero.

Pulso Ng Netizens: Tama Lang Daw Ang Ginawa Sa Tindero Sa‌ QC? 7

Nahahati ang mga opinyon ng netizens, ikaw? Ano ang opinion mo?

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: