Press "Enter" to skip to content

Pumanaw Nang Makati Resident, Kasama Sa Listahan Ng Tumanggap Ng Ayuda

Isang Makati resident ang kataka-takang napasama sa listahan ng mga tumanggap ng ayuda bagaman ay pumanaw na ito. Inirereklamo ito ng isang residente na diumano ay malapit sa pumanaw na residente ng Makati.

Modus

Liban pa sa paglalagay ng pangalan ng pumanaw sa listahan ng mga nakatanggap ng ayuda ay may iba pang hinaing ang residenteng nagrereklamo. Aniya,

Pumanaw Nang Makati Resident, Kasama Sa Listahan Ng Tumanggap Ng Ayuda 2

“Nakita namin ‘yong isa sa mga kwalipikado ay pumanaw na noong Marso at ‘yong iba sa mga nasa listahan is pamilya ng mga nakaupo sa aming barangay,”

Sagot ng barangay

Ang itinuturong lokasyon ng reklamo sa Makati ay sa Barangay Viejo, Guadalupe, Makati City. Sa hiwalay na panayam rito ng 24 Oras ay sinagot nito ang isyu ng pagkakasama ng mga pangalan ng kamag-anakan nito sa listahan. Ayon kay Barangay Captain Heinrich Angeles,

Pumanaw Nang Makati Resident, Kasama Sa Listahan Ng Tumanggap Ng Ayuda 3

“In-allow po ng DILG na ang mga barangay tanod, barangay health workers at daycare workers ay qualified na mabigyan ng amelioration program,”

Hirit pa nito ay walang natanggap na ayuda ang kanyang pamilya dahil alam nito na mas marami pa ang higit na nangangailangan ng tulong. Aniya,

“Ang mommy ko po ay anim na taon ng patay. Sa pamilya ko po ay walang nag-receive ng SAP dahil prinohibit ko po sila na tumanggap ng ayuda galing gobyerno dahil mas nangangailangan ang dapat makatanggap,”

Walang direktang sagot

Sa kabilang banda, walang paglilinaw mula kay Angeles ukol sa isyu ng pagkakasama sa listahan ng benepisaryo ng SAP ang isang pumanaw na noong Marso pa.

Social amelioration cash

Sa kasalukuyan ay patuloy pa din ang pamimigay ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ng ayuda sa mga kwalipikadong benepisaryo nito. Inextend din ang araw ng deadline nito dahil anila ay inaabot ng gabi sa pagpila ang mga tao upang makatanggap ng ayuda. Sa ngayon ay madami pa din sa kababayan natin ang umaasa na mabahaginan ng pinansyal na tulong mula sa gobyerno.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: