Nakatakas ang pusa na nahuli sa silid ng bilangoan na maydalang sim cards at drugs.
Safe courier
Sri Lanka– isang pusa ang nahuli na tinalian ng sim cards at heroin sa kanyang leeg, sa silid ng super high-security Welikada Prison noong Sabado.

Nakuha galing sa pusa ang halos 2 gramo ng heroin, 2 SIM cards at memory chip, na isinilid sa mallit na plastic, saka initnali sa leeg ng pusa.
Isinilid sa isang kwarto ang pusa, pero nakatakas ito, ayon sa na e ulat. Wala pang naging komento ang autoridad sa naturang insidente.
Hindi pa tiyak kung ilang mga pusa ang ginamit ng mga responsable sa kanilang gawaing magpalaganap ng mga illegal na gawain sa silid ng bilangoan.

Mga kontrabando
Ayon sa ibang ulat, ang mga opisyal sa Welikada Prison, ay nakakuha din ng mga parcels na inihagis sa silid ng area sa bilangoan, na may laman na 38 mobile phones, 264 batteries, 20 SIM cards at 3.5 grams ng heroin noong nakarang buwan.
Talamak ang problema sa illegal drugs sa bansa at ayon sa ibang report, hindi lang pusa ang ginagamit para makapag distribute ng droga, dahil may nahuli ang autordidad na isang eagle din na ginagamit bilang courier din.

Emerging transit hub
Ang Sri Lanka ang binansagan ngayon bilang emerging transit hub sa mga illegal drugs sa Asia.
Sa mga nakaraang taon, maraming mga nahuli ang mga autoridad ng Sri Lanka na mga illegal na droga. Isa sa pinakamalaki ay ang shipment na aabot sa 1,770 kg ng cocaine na nadiskubre sa isang shipment ng asukal galing sa bansang Brazil. Sa kargamentong ito ay, nasa 840 kg lamang ang laman na asukal. Tinatansiyang aabot sa $140 million ang halaga ng droga.

Alam ng mga autoridad kung bakit tumaas ang kaso ng mga kontrabando dahil maluwag ang bansa o “risk-free location with less legal restrictions,” sabi ng top police official. Pero hindi naman nila kinonsidera na transit point ang bansa. At ayaw din ng autoridad na manghula kung saan pang bansa ang posibleng pagdalhan ng mga drogas.
Source: LAD Bible
Be First to Comment