Press "Enter" to skip to content

PWD Stroke Patient, Idinonate Ang Nalikom Na Pera Mula Sa Panlilimos Para Sa Mga Nasalanta Sa Marikina

Tunay na hindi hadlang ang estado sa buhay upang makatulong sa kanyang kapwa. Lalo pa sa panahon na ito na maraming pinagdadaanan ang bansa mula sa pandemya at sa mga nagdaang sakuna.

PWD

Isang PWD mula sa Antipolo ang nagpunta sa city hall ng Marikina at personal na iabot ang kanyang donasyon kay Mayor Marcy Teodoro bilang karagdagang tulong sa kamakailang pananalanta ng bagyong Ulysses sa Marikina.

PWD Stroke Patient, Idinonate Ang Nalikom Na Pera Mula Sa Panlilimos Para Sa Mga Nasalanta Sa Marikina 2

Ang stroke patient a kinilalang si Mang Romy ay mula pa sa Mambugan Antipolo City. Ang perang kanyang nalikom at idinonate ay mula sa panlilimos nito upang makatulong sa Marikina. Nakalikom ito ng nagkakahalagang P12,390 pesos.

PWD Stroke Patient, Idinonate Ang Nalikom Na Pera Mula Sa Panlilimos Para Sa Mga Nasalanta Sa Marikina 3

Matulungin

Imbes na gastusin ang pera para sa kanyang pangangailangan at maintenance sa kanyang kondisyon, mas pinili nito na makatulong sa kapwa. Ang detalye ay ipinost ng netizen na si Jass Pher Justo. Ayon sa post nito,

PWD Stroke Patient, Idinonate Ang Nalikom Na Pera Mula Sa Panlilimos Para Sa Mga Nasalanta Sa Marikina 4

“Hindi hadlang ang karamdaman para makatulong. 👍
Si Mang Romy ay isang PWD (Stroke Patient) na taga Brgy. Mambugan Antipolo City nagtungo sa Cityhall ng Marikina upang personal na i-abot kay Mayor Marcy Teodoro ang kanyang nahingi sa panlilimos sa kalsada na nagkakahalagang P12,390. Imbes na para sa kanyang mga pangangailangan ilaan gastusin ito, bagkus ito ay kanyang ibinigay para sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses. 💕”

Pasasalamat

Kalakip ng post ay ang aktwal na larawan ng pagbigay ni Mang Romy ng mga baryang naipon mula sa panlilimos at ngayon ay idinonate nito para sa mga taga-Marikina. Personal naman na nagsulat ng mensahe ng pasasalamat si Mayor Marcy para kay Mang Romy.

PWD Stroke Patient, Idinonate Ang Nalikom Na Pera Mula Sa Panlilimos Para Sa Mga Nasalanta Sa Marikina 5

Nasalanta

Kamakailan ay nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses ang maraming lugar sa Luzon. Kabilang na dito ay ang Marikina, Rizal, at ilang lugar sa Pasig at Quezon City. Sa mga probinsya naman ay higit na naapektuhan ang Tuguegarao, Isabela, Cagayan at ilang lugar sa Bulacan at Pampanga. Ito ay dulot ng pagbukas ng mga dam operators ng mga water gates upang itapon ang mga sobra sobrang tubig na naiipon sa dam dulot ng bagyong Ulysses.

Pasasalamat

Maraming netizens ang naantig sa kabutihang loob ni Kuya Romy. Hangad nila ay pagpalain pa ito ng napakaraming blessings dahil sa angking kababang loob nito.

PWD Stroke Patient, Idinonate Ang Nalikom Na Pera Mula Sa Panlilimos Para Sa Mga Nasalanta Sa Marikina 6

Source: Jazz Pher Justo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: