Press "Enter" to skip to content

Pwede Ka Pang Mapasali! Karagdagang 5 Milyon Pamilya Na Tatanggap Ng SAP Cash Assistance Aprubado Na Ng Pangulo

Malacañang – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng COVID-19 task force ng gobyerno na dagdagan pa ng 5 milyon mahihirap na pamilya ang listahan ng mga tatanggap ng cash assistance mula sa Social Amelioration Program o SAP.

Kasali agad sa unang batch

Inanunsyo ang magandang balitang ito ng Malacañang nitong Martes, Mayo 12. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mapapalad na madaragdag sa listahan ay mabibilang sa unang batch ng pamimigay ng ayuda.

Pwede Ka Pang Mapasali! Karagdagang 5 Milyon Pamilya Na Tatanggap Ng SAP Cash Assistance Aprubado Na Ng Pangulo 2

Ngunit paglilinaw niya, ang ikalawang batch na ibibigay na nakatakdang simulan sa Mayo 20, ay para na lamang sa mga mahihirap na pamilya na napabilang sa panibagong extension ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Limitadong pondo

Ang mga residente sa mga lugar na sakop na ng General Community Quarantine o GCQ na nagsimula noong Mayo 1 ay hindi na mabibigyan ng ikalawang ayuda mula sa gobyerno. Ani Roque, limitado na lamang ang pondo ng gobyerno kung kaya itututok na lamang ito sa natitirang nasa estado ng ECQ at sa ibang gastusin kontra COVID-19.

Mahigit 18 milyon na mahihirap na pamilya ang target ng gobyerno na mabigyan ng cash assistance. Ito ay nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000 depende sa minimum wage ng isang rehiyon. Ang programang ito ay mula sa batas na Bayanihan to Heal as One Act na sadyang binuo upang malabanan ang nakamamatay ng virus.

Deadline ng pamamahagi

Sa kasalukuyan, 1,265 na ng mga LGU sa buong bansa ang nakapag sumite na ng liquidation report. Nagbigay kasi ang Department of Interior and Local Government o DILG ng deadline upang tapusin ng mga LGU ang pamimigay ng unang batch ng ayuda hanggang noong Mayo 10.

Inaasahan na ang mga umabot sa deadline ay siya ring unang mabibigyan ng budget para naman sa ikalawang yugto ng ayuda mula sa gobyerno. Dadaan pa kasi sa validation ang mga nasabing report upang masiguro na walang anomalyang nangyari sa nangyaring pamamahagi.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: