Browse By

Pwede Na Ba Lumabas Ang Mga Bata? Lilinawin Ng Mga Mayor Ang Mga Patakaran

Metro Manila mayors ay maglalabas ng resolusyon upang bigyang liwanag ang mga alituntunin at gabay kung pwede na nga bang lumabas ang mga bata ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora.

Ayon kay Zamora habang hinihintay pa ang resolusyon ng MCC gusto nya parin manatili ang age bracket ng mga pwede lumabas mula edad 18 hanggang edad 65 lamang.

Photo Credits: Philstar

Mga Limitasyon

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng epekto ng COVID-19 sa ilang lugar sa Metro Manila. May ilan paring lugar ang nasa granular lockdown na ang ibig sabihin ay pagbabawal sa mga residente ng isang bahay o gusali na may nakatirang tinamaan ng COVID-19 na lumabas. Kung kaya ang mga kabataan sa edad 17 anyos pababa ay pinagbabawalan lumabas sa mga establisyimento na may karaniwang maraming tao, para narin sa kanilang kaligtasan.

Samantala, ang mga kabataan na nagtatrabaho naman ay pinapayagan din lumabas basta may katunayan at nasa wastong edad.

“So saan nga ba pewede ang ating mga kabataan? Pwede silang lumabas para makapag exercise. Kung kailangan bumili ng pagkain o gamot ay pwede rin.”

San Juan Mayor Francis Zamora
Photo Credits: Philstar Facebook

Habang limitado rin sa mga malls o mag dine-in ang mga kabataan kung saan kailangan nilang tanggalin ang kanilang mga face mask at makasalamuha ang mga tao sa paligid na maglalagay sa kanila sa high-risk ng inpeksiyon.

“Para maging malinaw, maglalabas ng pormal na resolution ang MMC (Metro Manila Council) very soon because last time, nagkaroon na nga ho ng kasunduan.”

San Juan Mayor Francis Zamora

Mga Resulta ng Pag-iingat

Habang, ang IATF (Inter-Agency Task Force) para sa  Management of Emerging Diseases ay pinapayagan ang mga residente ng point-to -point” interzonal travel sa mga lugar na nasa general community quarantine o mas mababang antas ng quarantine. Samantala lang, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng  katamtamang panganib o moderate risk na dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 ayon sa ginawang research ng  OCTA noong nakaraang linggo.

Ayon naman sa PNP (Philippine National Police) may ilang lugar lang (82 areas) ang nasa ilalim ng granular lockdown kung saan ang 30 lugar sa Quezon City, ang 25 sa Manila, 13 sa Eastern District kabilang ang Pasig, Marikina, Mandaluyong, at San Juan. habang ang 11 sa Southern District kabilang ang Makati, Taguig, Pasay, Patros, Las Pinas, Paranaque at Muntinlupa. Kasama rin ang 3 lugar sa Northern District (Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela).

Sa mga nasabi na lugar  karamihan ay 38 kabahayan, 18 residential buildings or condominiums, 13 subdivision, pitong kalsada at anim na building floors. 

Source: Philstar

One thought on “Pwede Na Ba Lumabas Ang Mga Bata? Lilinawin Ng Mga Mayor Ang Mga Patakaran”

Leave a Reply

Your email address will not be published.