Nahaharap ngayon sa inquest proceeding ang Quezon City police si Police Master Seargent Daniel Florendona na bumaril at nakapatay sa quarantine violator na si Private First Class Winston Ragos.
Inquest proceeding
Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Chief Police Brigadier General Ronnie Montejo na sinampahan na ng kasong homicide si Florendo. Ito ay kaugnay sa kontrobersyal na pagkakapatay kay Ragos.
“As of now, naano na natin si Police Master Seargent Florendo na for inquest proceedings, online inquest po siya ngayon,”

Aniya, ang basehan para sa isinasagawang inquest proceeding ay kung ano lang ang hawak nilang ebidensya sa ngayon. Kung kaya naman, tanging homicide ang maaari nilang isampa laban kay Florendo.
“We based our findings on the evidence at hand…so yun lang po ang kun ano ‘yung evidence na nasa atin, ‘yun lang po ang pinagpasyahan natin para sa inquest proceedings.”
“As of now, wala pa naman na-establish na conspiracy so ang principal lang ang tinututukan natin..”
Pangyayari
Matatandaan na kailan lang ay nag viral sa social media ang nangyaring insidente. Si Florendo, kasama ang ilang police trainees mula sa Philippine National Police-Highway Patrol Group ang naka duty noon sa checkpoint Maligaya Drive sa Fairview.
Dumating umano si Ragos sa checkpoint at pinagsisigawan umano sila nito. Pinayuhan siyang umuwi na nina Florendo dahil sa ipinatutupad na ECQ ngunit hindi umano sumunod si Ragos. Sa huli, nauwi sa pamamaril sa biktima na siyang ikinasawi nito.

Depensa ng mga police, call of judgement ang ginawa nila dahil baka makasakit pa ng marami ang naturang biktima. May dala din umano si Ragos na baril na siyang tangkang kukunin kung hindi nila naagapan.
Katarungan ang sigaw ng kaanak
Katarungan naman ang sigaw ng mga kaanak ng biktima. Anila, may sakit sa pag-iisip ang biktima kung kaya ganun ang kanyang inasal. Wala din umano itong baril na dala tulad ng sinasabi ng mga pulis.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ito ng National Police Commission. Maging ang Philippine Army ay nagsasagawa na rin ng sarili nilang imbestigasyon ukol dito.
Source: GMA News
Mag ingat mahilig tanim barel ang mga iyan at kadalasan nila itanim yan ay 38 caliber.