Press "Enter" to skip to content

Quarantine Violator Sa Naga, Kalaboso Matapos Manuntok At Mangagat Ng Pulis

Isang lalaki ang dinakip ng mga pulis matapos mahuling nakahubad at walang suot na facemask habang nasa kalsada. Pumalag ang lalaki na siya ay aarestuhin na. Nakipambuno at nangagat pa umano ito ng pulis na nanita sa kanya. Nangyari ang insidente nitong Huwebes, Mayo 28 sa bayan ng Naga Camarines Sur.

Panununtok at pangangagat ng suspek

Ayon sa report, bumibili ang di na pinangalanang suspek sa isang tindahan ng siya ay masita ng pulis dahil sa paglabag nito sa quarantine protocol. Imbes na humingi ng paumanhin ay nagalit pa umano ang lalaki. Minura nito ang pulis dahil sa paninita nito.

Quarantine Violator Sa Naga, Kalaboso Matapos Manuntok At Mangagat Ng Pulis 2

Hindi pa umano nakuntento ang suspek, sinuntok at kinagat pa nito ang pulis. Ayon pa sa report, maging ang pamilya nito ay nakisali pa sa pananakit sa kawawang pulis. Binato ng mga ito ang pulis bilang pagkunsinti sa kanilang kapamilya ng aktong aarestuhin na ito.

Nasasakal na

Dahil dito, nagawang makatakas ng suspek. Ngunit kalaunan ay naaresto rin ito ng awtoridad. Kaya naman imbes na nasa bahay, humihimas ito ngayon ng rehas sa kulungan. Ayon sa suspek, aminado naman siya na nagkamali siya.

Subalit depensa niya, nagawa lang niyang suntukin at kagatin ang nasabing pulis dahil nasasakal na umano siya sa pagkakahawak nito. Maaring maharap ngayon sa kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang nasabing suspek.

Reaksyon ng netizen

Samu’t sari naman ang naging opinyon ng mga netizen ukol sa pangyayari. Sabi ng iba, dapat lang mabulok sa bilangguan ang suspek. Siya na umano ang mali pero siya pa ang may ganang manakit. Pasalamat nga daw ang suspek at mabait pa sa kanya ang nasabing pulis.

Ayon naman sa iba, baka hindi maayos ang ginawang paninita ng pulis kung kaya lumaban ang suspek. Hindi tuloy maiwasang maungkat ang mga nabalitang insidente kung saan sinasabing lumalabis ang mga pulis sa pagpapatupad ng quarantine protocol.

Matatandaan kumalat sa social media ang insidente kung saan bugbog sarado ang isang quarantine violator matapos umanong pagtulungan ng mga pulis

Source: Balitambayan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: