Press "Enter" to skip to content

Radio Station Na “Wow China” Namamayagpag Sa Pilipinas

Binatikos ng maraming netizen ang programang “Wow China” na syang umeere sa Radyo Pilipinas. Ang Radyo Pilipinas ay isang PH government-owned radio station.

Wow China

Ang segment na “Wow China” ay umeere na noon pang 2018. Isang beses bawat linggo ang schedule nito sa Radyo Pilipinas. Ngunit kamakailan lamang noong mag-ere ito ng live broadcast sa pamamagitan ng Facebook. Ang openinh spiel nito ay tila paghihikayat sa publiko na makilala ang diumano ating Chinese brothers upang magkaroon ng “better ties” sakanila. Nagdulot ito ng batikos sa ating mga kababayang Pilipino.

Radio Station Na "Wow China" Namamayagpag Sa Pilipinas 2

Mandarin lessons

Isang portion ng programang Wow China ay ang pagbibigay nito ng Mandarin lessons na pinapangunahan ng mga hosts na sina Nimfa Asuncion at Ernest Wang. Ang segment na ito ay may partnership sa University of the Philippines’ The Confucius Institute.

Radio Station Na "Wow China" Namamayagpag Sa Pilipinas 3

Kwestyonable

Sa isyung ito, kinwestyon ni Senator Risa Hontiveros ang pagpapayag ng Presidential Communications Operations Office sa pagpromote ng China ng kanilang bansa at ideology mismong sa tax-funded radio station sa bansa. Hangad ni Hontiveros na kanselahin ang programa na ito sa Radyo Pilipinas.

Radio Station Na "Wow China" Namamayagpag Sa Pilipinas 4

“Filipino taxpayers should be indignant that we are essentially paying for a radio show that promotes China’s policies,”

Dagdag pa nito,

“It is also very hypocritical how the government is critical of alleged foreign ownership of other Filipino-owned media entities, but is aiding and abetting this clear foreign encroachment in our own,”

Galit na netizens

Noong Martes, mas nakatawag pa ito ng pansin sa social media na kung saan ay inulan ng batikos ang programa base sa komento ng mga netizen. Gayunpaman, ang iba ay kinokonek ang isyung ito sa pagpapasara ng gobyerno sa media giant na ABS-CBN. Hirit pa ng netizen, may isyu pa ang bansa sa West Philippine Sea na diumano ngayon ay tinatayuan na ng bansang China bilang kanilang teritoryo.

Wow China

#WowChina | May 10, 2020Kasama sina Nimfa Asuncion, Sissi Wang at Ernest Wang

Posted by Radyo Pilipinas on Saturday, May 9, 2020

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: