Press "Enter" to skip to content

Ready To Cook Meals Inilunsad Ng Jollibee, Mang Inasal, At Chowking

Naglabas ang Jollibee, Mang Inasal, at Chowking ng mga ready to cook meals para sa mga taong nais na maka-kain pa din ng kanilang mga sikat na pag-kain habang mayroon pang ipinapatupad na enhanced community quarantine.

Goodbye noodles at de lata

Nang dahil sa inilunsad na Enhanced Community Quarantine maraming pilipino ang nagsimulang mag-stock ng kanilang mga pag-kain na sasapat sa isang buwan o higit pa. Kabi-kabila ang namimili ng mga instant noodleas, de latang pagkain tulad ng sardinas, tuna, at corned beef

Ito ang madalas na pinamimili ng karamihan sapagkat, bukod sa ito ang pinakamadaling ihandang pag-kain, maari mo itong i-stock ng matagl.

Lutong bahay ala fast-food

Samantala, ang Jollibee, Mang inasal, at Chowking na tatlo sa pinaka-malalaking fast-food chain sa bansa ay naka-isip ng isang maganda ideya.

Para sa mga nais umano na maka-experience pa rin ng sarap ng kanilang mga lutuin ng hindi na kailangan pa lumabas ng bahay o mag-padeliver, naglunsad sila ng mga ready to cook meals na maaring mabili sa lahat ng kanilang stores nationwide.

Ayon sakanila, ito ay magpapatuloy hanggang sa maubos ang kanilang supply.

Anong meron

Kabilang sa mga ready to cook meals product na mabibili sa tatlong fast-food chain na ito ay ang ilan sa mga paborito ng nakararami. Walong piraso ng marinated chicken joy, beef tapa, beef longanisa, at tuna pie ng Jollibee. Habang ang sa Mang inasal ay ang Pork BBQ, Paa, Pecho, Sulit-Chicken, Longganisa, at Bangus Sisig. Samantala, frozen meats, seafood, halo-halo toppings, siopao naman ang sa Chowking.

Cravings satisfied

Labis naman na ikinatuwa ito ng mga tao, lalo na yung mga mahilig kumain sa Jollibee, Mang inasal, at Chowking. Ayon sakanila hindi na sila malulungkot at “Cravings Satisfied talaga”.

Dahil umano sa Enhanced Community Quarantine, Hindi na sila maka-pamasyal at maka-kain sa mga paborito nilang kainan. Magandang ideya ito umano upang kahit paano ay maibsan at lungkot at takot na kanilang nararamdaman dahil sa mabilis na kumakalat na Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.

Malaking tulong din ito umano lalo na sa mga hirap na hirap umisip ng kanilang uulamin sa araw-araw.

Source: WE THE PVBLIC

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: