Press "Enter" to skip to content

“Real-Life” Darna Na Sketch, Pumukaw Ng Atensyon Mula Sa Mga Netizens

Ang obra na pinost sa Facebook noong ika- 20 ng Hunyo na gawa ng isang graphic designer mula sa San Jose del Monte, Bulacan ay pumukaw ng atensyon at umani ng mga papuri mula sa mga netizens.

Ang sketch

Ang sketch ay nilagyan ng caption na “Real-Life Darna” na may mga hashtags na #sigawdarna at #speedpainting. Ito ay gawa ng isang graphic designer na nagngangalang Klayton Ramos at ang actress na si Angel Locsin ang nasa sketch. Sa ngayon ang nasabing post ay mayroon nang mahigit na 52,000 na mga reaksyon tulad ng likes at hearts, at ito ay may 27,000 na shares.

"Real-Life" Darna Na Sketch, Pumukaw Ng Atensyon Mula Sa Mga Netizens 2
Photo Credits: Klayton Ramos

Mula sa isang panayam sa pamamagitan ng Facebook Messenger, tinanong ni Jerry Olea na mula sa Pep.ph si Klayton Ramos tungkol sa kung ano ang naging inspirasyon niya sa paglika ng sketch na iyon. Ito ang kanyang pahayag:

“Darna is just an ordinary girl. She aims to help no matter what other people would think of her as long as she can be a catalyst to this world. She is careless about her body as long as she can help other people. Like Angel Locsin, the real-life Darna, hindi niya kailangan ng papuri dahil ang importante sa kanya ay ang makatulong sa kapwa.” sagot ni Klayton

Si Darna

Marami nang gumanap bilang Darna tulad na lamang nina Marian Rivera, Sharon Cuneta, at Vilma Santos pero ang tumatak sa maraming Pilipino ay ang pagganap ni Angel Locsin sa telebisyon bilang Darna noong 2005. Ngunit kamakailan naging viral ang kuha noong ika-18 ng Hunyo sa kanya sapagkat ang mga larawan ay nagpakita ng malaking pagbabago sa pigura ng aktres.

Umani ito ng iba’t ibang mga komento ngunit mas tumatak pa rin ang mga mabubuti niyang ginawa, ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili kahit nadagdagan ng timbang at pagiging isang inspirasyon.

Sa ngayon, si Angel Locsin ay nasa isang programa na may pamagat na Iba Yan at ipinapakita dito ang pagmamalasakit at pagtulong ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya na kinahaharap ng bansa.

Ang bagong post

Mula rin sa Pep ay may napag-usapan kamakailan ukol sa pagbabago ng petsa ng kasal nina Angel Locsin at Neil Arce, ito ay maaaring maganap sa Disyembre ngunit wala pang takdang petsa na ibinigay. Ang nais ng nasabing aktres ay maging simple lamang ang kasal na gagawin at tipirin ito kung pupwede.

"Real-Life" Darna Na Sketch, Pumukaw Ng Atensyon Mula Sa Mga Netizens 4
Photo Credits: Angel Locsin

Mula naman sa artikulo ng Newspapers.ph ay mayroon ulit na larawan ni Angel Locsin ang pumukaw sa atensyon ng mga netizen at ito ay noong ika-25 ng Hunyo sa kanyang Instagram account, ito ay may kaibahan sa kuha niya noong ika-18 ng Hunyo. Sa nasabing post siya ay nasa trabaho para sa bagong episode ng Iba Yan na directed ng kanyang mapapangasawa na si Neil Arce.

Isang inspirasyon

Ang aktres na si Angel Locsin ay naging maingay ang pangalan sa social media dahil sa pagtulong at pakikipagkapwa-tao na kanyang ipinapakita. Maraming netizens ang itinuring siyang bilang isang inspirasyon sapagkat siya ay maganda sa panlabas na anyo at may kagandahang loob.

"Real-Life" Darna Na Sketch, Pumukaw Ng Atensyon Mula Sa Mga Netizens 5
Photo Credits: Philstar

Maaalala na ang aktres ay boluntaryong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Northern Samar, tumulong din siya sa mga nasalanta sa pagbuga ng abo ng bulkang Taal , at isa sa mga tumulong sa mga frontliners at upang maisulong ang pagkakaroon ng mass testing sa bansa.

Source: Pep

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: