Press "Enter" to skip to content

‘Regardless Of Age, Kailangan Harapin Ang Kaso’: Pahayag Ng Palasyo Ukol Sa 72 Taong Gulang Na Nakabinbin Ang Kaso Laban Sa Kanya

Ang isang matandang drayber ng jeep na nasa bilangguan ngayon dahil umano sa pagsali sa isang protesta ay dapat na harapin ang mga kaso laban sa kanya anuman ang kanyang edad, ito ang pahayag ng Malacañang nitong Martes sa kabila ng mga panawagang palayain siya.

Ang pag-aresto kay tatay Elmer

Si Elmer Cordero, 72 taong gulang, ay hindi pinapayagan na mag-piyansa dahil sa umano’y umiiral na kaso ng estafa laban sa kanya. And kasong ito na isinampa laban sa kanya ay noon pang 2002 dahil sa hindi pagbayad ng upa sa bahay.

'Regardless Of Age, Kailangan Harapin Ang Kaso': Pahayag Ng Palasyo Ukol Sa 72 Taong Gulang Na Nakabinbin Ang Kaso Laban Sa Kanya 2
Photo Credit: Twitter

Siya ay inaresto noong nakaraang linggo kasama ang 5 pang mga driver ng jeep dahil sa pagsuway sa awtoridad nang umano’y tumanggi silang ihinto ang kanilang pagpoprotesta sa EDSA

Ang kanilang pagprotesta ay naglayong marinig ng gobyerno ang kanilang hinaing upang makatanggap ng tulong at pahintulutan silang mga jeepney drivers na pumasada.

‘Dadaan ang lahat sa proseso’

Ang pagpasada ng mga jeep ay ipinagbawal sa mga kalsada mula noong Marso sa ilalim ng mga health protocols at quarantine regulations.

'Regardless Of Age, Kailangan Harapin Ang Kaso': Pahayag Ng Palasyo Ukol Sa 72 Taong Gulang Na Nakabinbin Ang Kaso Laban Sa Kanya 3
Photo Credit: Interaksyon

Pahayag ni Roque sa isang press breifing,

“Dadaan po ‘yan sa proseso at dadaan po ‘yan sa piskalya. Kung wala pong ebidensya, madi-dismiss po ‘yung kaso,”

Dagdag niya,

“Tingnan po natin ‘yan kung may ebidensya,”

‘Walang edad na magkapagpapalaya’

Si Roque, na isang abogado, sinabi na ang edad ay hindi nagpapalaya sa isang tao mula sa mga nakabinbing kaso.

Aniya,

“Titingnan po natin ‘yan kasi regardless of your age, kapag may pending case, kinakailangan harapin ‘yung kaso. Magkakaroon lang po ‘yan ng clemency if he is found guilty,”

'Regardless Of Age, Kailangan Harapin Ang Kaso': Pahayag Ng Palasyo Ukol Sa 72 Taong Gulang Na Nakabinbin Ang Kaso Laban Sa Kanya 4
Photo Credit: ABS-CBN News

Dagdag niya,

“Mayroon tayong probisyon that the court can recommend pardon or parole to senior citizens,”

Ang driver ng jeep na si Elmer Cordero ay nananatiling nakakulong habang inaasikaso ang kanyang kaso.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: