Press "Enter" to skip to content

Rehabilitasyon Ng Marawi, Nasa Ayos Pa Ba?

Marawi City, Philippines – Tinatayang malapit ng matapos ang rehabilitasyon ng siyudad ng Marawi mula sa masaklap na sinapit niya tatlong taon ang nakalipas. Malaki ang posibilidad na bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay matatatapos na ang proyektong ito.

Rehabilitation timeline

Dahil sa utos ni Pangulong Duterte na itaguyod at isaayos muli ang siyudad ay inatasan niya si Task Force Bangon Marawi Secretary Eduardo Del Rosario bilang tagapamahala ng proyeto. Ayon kay Del Rosario ay nasa ayos ang lahat at malapit na silang matapos.

Rehabilitasyon Ng Marawi, Nasa Ayos Pa Ba? 2
Photo Credit: Philippine Information Agency

Ani ni Del Rosario,

“In fact, we are on track. We are on target to finish most, if not all, public infrastructures by December 2021 as embodied in our Master Development Plan.”

Rehabilitasyon Ng Marawi, Nasa Ayos Pa Ba? 3
Photo Credit: Philippine Information Agency

Dagdag pa niya,

“As committed, the rehabilitation of government infrastructures in Marawi City will be completed within the term of our President. That is his order and that will be done.”

Sinabi ni Del Rosario na isinasakatuparan lamang niya ang utos ng pangulo upang maitaguyod muli ang siyudad. Sinasabi ni Del Rosario na matatapos ang proyektong ito bago pa man matapos ang termino ni Duterte.

Pagbabatikos

Ilang mga mambabatas ang bumabatikos at nais nilang magtalaga ang Pangulo ng bagong tagapamahala para sa Task Force Bangon Marawi. Inaakusahan nilang maraming delay si Del Rosario at kapag nagkataon ay mas mahihirapan ang mga taga Marawi muling maitaguyod ang kanilang buhay.

Rehabilitasyon Ng Marawi, Nasa Ayos Pa Ba? 4
Photo Credit: Business Mirror Ph

Sabi ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman,

“While the country fights the Covid-19 pandemic, the people of Marawi suffer twice in this crisis as they continue to be plagued by an outbreak of government delay and inefficiency in the rehabilitation and reconstruction of their homes three years after the 2017 siege,”

Rehabilitasyon Ng Marawi, Nasa Ayos Pa Ba? 5
Photo Credit: Business Mirror Ph

Dagdag din ni House Committee on Muslim Affairs Chairman Ansaruddin Abdul Malik Alonto Adiong,

“May 23, 2017, is the 3rd anniversary of the Marawi Siege. May 23, the day that completely took us by surprise and altered all aspects of our lives, then and now, As we continue to cope with our current situation, I hope we could still lend a hand or two and remain hopeful as we continue to call for and fight for the faster process of the recovery and rehabilitation of our beloved Marawi,”

Rehabilitasyon Ng Marawi, Nasa Ayos Pa Ba? 6
Photo Credit: Business Mirror Ph

Siniguro naman ni Del Rosario na ang mga alegasyon ay pawang haka-haka lamang. Ang proyekto ay nasa tamang landas at ang lahat ng mga bagay-bagay ay nasa ayos.

Source: Philippine Information Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: