Press "Enter" to skip to content

“Rehistradong Online Businesses Dumami” – DTI

Humigit kumulang na 37,000 internet-based businesses ang nagparehistro sa ahensya mula Enero hanngang Hulyo sa taong ito, ito ay ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Jean Pacheco noong Lunes (Hulyo 20)

Ang pahayag

Mula sa National MSME Week e-forum, sinabi ni Assistant Secretary Jean Pacheco na lumaki ang bilang ng mga nagparehistro na online businesses, mula sa mahigit 1,600 na mga online businesses para sa buong taon ng 2019.

"Rehistradong Online Businesses Dumami" - DTI 2
Photo Credit: Shopee

That means to say that people are looking at ecommerce and that also means DTI needs to help a lot this particular MSMEs (micro, small, and medium enterprises),” she added.

( Nangangahulugan na ang mga tao ay nakikita na ang e-commerce at nahuhulugan din na kailangan ng DTI tulungan ang mga ganito lalo na ang mga MSME,” dagdag niya)

Ang dahilan

Mula noong inanunsyo ng gobyerno ang lockdown noong Marso para sa seguridad ng mga tao dahil sa pandemya na kinahaharap ng ating bansa, ang pagnenegosyo sa paraan ng online ay lumakas at dumami pa dahil ang mga may-ari ng mga negosyo o physical store ay lumipat sa pagkakaroon ng online shop at ang iba naman na nawalan ng trabaho ay nagsimula nang magbenta online.

"Rehistradong Online Businesses Dumami" - DTI 3
Photo Credit: Lazada

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga nagkakaroon ng online business ipinasa ng BIR ang memorandum na kailangan ng mga ito na magparehistro hanggang ika-31 ng Hulyo. Kasama sa mga hinihikayat na magrehistro ay ang mga negosyo na may taunang kita na mas mababa sa PHP250, 000 kahit hindi ito pinapabayad ng buwis.

Iba pang impormasyon

Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang gobyerno na gawing digital din ang proseso sa pagrerehistro ng kani-kanilang mga negosyo, lalo na sa mga LGUs upang mapadali ang pagsisimula ng negosyo sa bansa. Sa paraan na iyon ay mas maraming mahihikayat ng mga negosyante na magparehistro.

"Rehistradong Online Businesses Dumami" - DTI 4
Photo Credit: ABS-CBN

Hinihikayat nila ang mga maliit na negosyo upang matulungan nila ito kapag nahaharap sa mga mahihirap na panahon tulad ng pandemya. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang mga small and micro enterprises (MSE) na may gusto sa Covid-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) na programa ay umabot ng 23, 477 na may pinagsama- samang hihiramin na PHP3.38 billion.

"Rehistradong Online Businesses Dumami" - DTI 5
Photo Credit: CNN Philippines

Mula sa bilang, 3, 711 na mga nag-apply ang inaprubahan na may loan na nagkakahalaga ng PHP253.5 million. Ang programa na nasabi ay nagpapahiram ng ₱ 10, 000 hanggang ₱ 500, 000 sa mga micro and small enterprises (MSE) na apektado ng pandemya upang ang mga ito ay magpatuloy sa kanilang mga negosyo at matulungan ang mga empleyado nila.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: