Press "Enter" to skip to content

Reklamo Laban Sa Tindero Ng Isda Na Hinuli At Pinagpapalo, Iniatras Na Ng Opisyal Ng Quezon City!

Iniatras na ng opisyal ng Quezon City ang reklamo laban sa fish vendor na hinuli st pinagpapalo dahil sa quarantine violation.

Quarantine protocol

Matatandaang kumalat sa social media ang ginawang panghuhuli sa fish vendor na si Michael Ribuia sa kahabaan ng Panay Avenue sa Quezon City. Ang mga humuli, ang Quezon City Task Force Disiplina na kinabibilangan ng nasa apat na kalalakihan.

Reklamo Laban Sa Tindero Ng Isda Na Hinuli At Pinagpapalo, Iniatras Na Ng Opisyal Ng Quezon City! 2

Hinuli si Rubuia dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocol ng magtinda siya ng isda ng walang suot na face mask. Ang pagsusuot ng face mask ay isa sa mahigpit ng pinaguutos ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COBVID-19.

Nauwi sa pamamalo

Ang simpleng panghuhuli ay nauwi sa sakitan ng hindi pumayag si Rubuia na sumama sa mga otoridad. Kita sa video na kumapit siya sa bakal upang hindi mahila ng mga kalalakihan. Isa sa mga opisyal ng task force Disiplina na may dalang yantok ang pumalo ng makailang ulit kay Rubuia dahil sa pagpupumiglas nito.

Reklamo Laban Sa Tindero Ng Isda Na Hinuli At Pinagpapalo, Iniatras Na Ng Opisyal Ng Quezon City! 3

Umiyak at sumigaw sa sakit ang tindero ng dahil sa pamamalo. Kung kaya naman, umagaw ito ng atensyon ng marami at na videohan ang aktwal na pamamalo. Kinondena ng mga saksi ang ginawang pananakit ng mga opisyal. Anila, hindi dapat saktan ang tindero ano man ang nilabag nitong batas.

Iniatras na ang reklamo

Inupload ang video ng isang saksi at nag viral ito sa social media. Nakarating sa pamahalaang lokal ng Quezon City ang ginawang pananakit ng kanilang mga tauhan. Sa opisyal na pahayag ng pamahalaang lokal, mariin nilang kinokondena ang ano mang pananakit sa kanilang mamamayan ano man ang kaso nito.

Reklamo Laban Sa Tindero Ng Isda Na Hinuli At Pinagpapalo, Iniatras Na Ng Opisyal Ng Quezon City! 4

Bilang aksyon sa maling ginawa ng mga tauhan, sinuspende na ang lahat na mga sangkot sa karahasan na nangyari. Iniatras na rin ng Task Force ang reklamong isinampa laban sa tindero ng isda. 

Panawagan ng netizen, maging makatao sana ang mga opisyal at huwag idaan ang lahat sa karahasan. Ang pandemic umano ang kalaban ng bansa at hindi ang taong bayan.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: