Press "Enter" to skip to content

RelationshipGoals: Mag-jowa, Huli Sa CCTV Na Nangulimbat Ng Sandals Sa Daranak Falls

Huli sa CCTV footage ang aktong pagkuha ng mag-jowa sa mga sandals sa gilid ng Daranak Falls. Ayon sa reklamo ng nakawan, #LiteralNaRelationshipGoals umano ang dalawang diumano magnanakaw.

Ninakaw na sandals

Isang post mula kay Ginamie Ybalane Arevalo ang viral ngayon kung saan ay inilabas nito ang CCTV footage ng pagkuha ng mag-jowa sa kanyang sandals na nasa gilid ng Daranak falls. Sa video ay makikita ang dalawa na nagse-selfie.

RelationshipGoals: Mag-jowa, Huli Sa CCTV Na Nangulimbat Ng Sandals Sa Daranak Falls 1

Maya-maya pagkatapos nila magkuhaan ng litrato, ay pinagdiskitahan naman ang ilang tsinelas sa gilid ng falls na kung saan ay isa sa mga sandals ni Ginamie ang nakuha.

Doon ay makikita pa umano na kumuha ng plastik ang lalake na syang ginawang lalagyan ng mga nakuha nila. Habang ang babae naman ay tila palinga-linga sa paligid na tila look out ng kanyang nobyo.

Kalaunan, tila nahihiya pang makikita si ate na alangan na kuhain ang sandals. Kaya naman, tila naglalambing na pinakuha sa kanyang boyfriend ang sandals. Nilagay nila ito sa plastik at sabayna umalis. Sa post ni Ginamie,

“Update: Alam po ng mag jowa na gamit namin yan dahil kami na lang nag swiswimming sa falls, natural po na mag hubad ng slippers pag naliligo sa falls or beach at nandun pa po sila nung nag rarant ako na nawawala yung sandals ko pero bigla po silang nawala.

Kung naibalik po sana at hindi ako naka yapak umuwi hindi po mangyayari sa kanila yan.”

Warning ni Ate

Dagdag pa ng biktimang si Ginamie,

“At di na lang to tungkol sa tsinelas, lesson learned both sides. Lagi mag ingat na wag iiwan basta basta ang gamit dahil may mga malilikot na kamay katulad nila. Buti nga tsinelas lang yan what if kung sobrang laking bagay na yan.”

Hating komento ng netizens

Bagaman ay hangad ng nagrereklamong netizen ay magsilbing leksyon sa iba na ang pag-iwan sa mga gamit nang walang atensyon, mahalaga man o hindi, ay huwag ugaliin, naging hati naman ang komento ng mga netizens sa kanyang post.

Tila na-bash din ang post ni Ginamie dahil ayon sa marami ay tsinelas lamang ang ninakaw sakanya. Ganunpaman, ayon sa ibang netizens, maliit man o malaking bagay, ang ginawa ng mag-jowa ay mananatiling matatawag na pagnanakaw.

WATCH TILL THE ENDKUNG PANO PINAG PLANUHAN NG MAG JOWANG TO UNG SANDALS KO SA DARAKAN FALLS. Update: Alam po ng mag jowa na gamit namin yan dahil kami na lang nag swiswimming sa falls, natural po na mag hubad ng slippers pag naliligo sa falls or beach at nandun pa po sila nung nag rarant ako na nawawala yung sandals ko pero bigla po silang nawala. Kung naibalik po sana at hindi ako naka yapak umuwi hindi po mangyayari sa kanila yan. Yes may cctv, naka zoom na lang sa kanila yan kaya tapat na tapat sa kanila. At di na lang to tungkol sa tsinelas, lesson learned both sides. Lagi mag ingat na wag iiwan basta basta ang gamit dahil may mga malilikot na kamay katulad nila. Buti nga tsinelas lang yan what if kung sobrang laking bagay na yan. #LiteralNaRelationshipGoals

Posted by Ginamie Ybalane Arevalo on Wednesday, February 12, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: