Press "Enter" to skip to content

Relief Goods Na Bigay Ng Mayor Ng Pililla Rizal Complete Package Na

Pililla Rizal- lungsod kung saan ang nasabing pa ayuda ng Mayor ay halos kumpleto na. Ito ay ayon sa isang residente ng nasabing lugar.

Ang Ayuda

Ang nasabing mga ayuda ay ipinamigay ni Mayor Dan V. Masinsin na siyang Alkalde ng nasabing lungsod. Ang laman ng relief goods ay kalahating sakong bigas, manok, delata at may kasama pang gulay.

Pa Ayuda

Ayon sa nag upload ng mga litrato, hindi lamang ito ang unang beses na sila ay nakatanggap ng ayuda mula sa kanilang Alkalde. Kaya naman sa bawat nakaabang na mga upuan ay mayroong nakasulat na pasasalamat para sa kanilang namumuno.

Cash assistance

Bukod pa dito, ay nabigyan na din sila ng SAP form o Social Amelioration Program form na mula sa programa ng DSWD. Ang ameliortion na ito ay isang cash assistance para sa pantawid gutom sa gitna ng malawakang tigil trabaho ng mga mamamayan na lubos na naapektuhan ng lockdown.

Maayos naman na naipamahagi ang nasabing amelioration kahit na ito ay hindi sumapat para mabigyan ang lahat ng kanilang mga residente na naninirahan doon. Gayunpaman patuloy pa din ang pagbibigay ng mga ayuda ng kanilang pamunuan ng lungsod para sa mga residente.

Deklara ng Pangulo

Matatandaang idineklara ng Pangulo ang iba’t-ibang tulong na maaring gawin o ibigay para sa lahat ng mamamayan, na lubos na naapektuhan ng lockdown.

Pa Ayuda

Nang sa gayon ay matugunan ang pangunahing pangangailangan partikular na ang pagkain. Ang gawaing ito ay ipanaubaya sa mga namumuno ng bawat lugar na kanilang nasasakupan.

Kinainggitan

Ang litrato na inupload sa social media ay kinainggitan naman ng ilan sa mga netizen. Ang sabi pa ng iba ay.. “sana all” at “mabuti pa kayo dyan”.

Nawa ang ganitong pamumuno ay tuluran pa ng nakakarami upang sa gayon ay makatawid ang lahat sa krisis na nararanasan ngayon.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: