Press "Enter" to skip to content

Religious Gathering, Natuloy Sa Isang Brgy Sa Cebu Kahit Naka-Lockdown!

Magsasampa ng reklamo ang Central Visayas Police sa mga diumano organizers ng naganap na prusisyon sa Cebu. Ito ay sa kabila ng ipinapatupad na enhance community quarantine doon.

Prusisyon

Nangyari diumano ang prusisyon sa Barangay Basak San Nicolas sa Cebu City. Ang barangay na ito ay kasama sa listahan ng mga barangay na naka-lockdown dahil sa mataas na bilang ng kaso ng covid doon. Itinuturing na hotspot ng covid-19 ang nasabing barangay.

Religious Gathering, Natuloy Sa Isang Brgy Sa Cebu Kahit Naka-Lockdown! 2

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, ipinagbabawal ang mga social gathering lalo na sa publiko. Kaya naman ang pagsasagawa ng prusisyon sa ilalim ng ECQ ay maaaring maharap sa kaso ang mga nagpunta, lalo na ang mga nag-organisa ng gawain.

Show cause order

Ayon kay Cebu Mayor Edgar Labella, nag-utos ang Legal Office sa mga opisyal ng Basak San Nicolas na magpaliwanag ukol sa violation sa loob ng 24 na oras. Pahayag ni Mayor Labella sa isang Facebook post,

Religious Gathering, Natuloy Sa Isang Brgy Sa Cebu Kahit Naka-Lockdown! 3

” I have tasked Atty. Rey Gealon, our City Legal Chief, to investigate the holding of a fiesta celebration in Sitio Alumnos despite a directive strictly prohibiting mass gatherings,”

Dagdag pa riyan, nakapag-issue na rin ang kanyang opisina ng show cause order sa barangay captain ng Basak San Nicolas na si Norman Navarro at sa iba pang myembro ng Sangguniang Pambarangay.

Seremonya

Ayon sa City Legal Office, isang religious gathering ang naganap sa barangay, Sabado ng gabi. Ito ay pagseselebra ng mga residente doon ng Feast Day of St. John the Baptist at Sto Nino.

Religious Gathering, Natuloy Sa Isang Brgy Sa Cebu Kahit Naka-Lockdown! 4

Ayon pa kay Atty Gealon, liban pa sa prusisyon, nagkaroon din ng ceremonial dancing at may caravan pa. Natuloy umano ang prusisyon nang walang pagtutol sa mga opisyal ng barangay.

“There was a caravan, a foot procession and ceremonial dancing… The public gathering of the masses was allowed to proceed without any opposition from the barangay officials,”

Walang kaalaman

Ganunpaman, pinabulaanan ng Barangay San Nicolas na may kaalaman sila ukol sa nangyaring religious gatnering. Ayon pa sakanila, wala sa kaalaman ni Chairman Navarro ang ukol sa pista. Sa katunayan, ito ay tutol sa pagsasagawa nito. Panawagan ng barangay sa mga naging organizers ng pista,

“Today (Sunday), we are calling all the organizers or the people who initiated this event because this violated the ECQ,”

Sa kasalukuyan ay may 90 cases na ang naitala sa nasabing barangay. Ito rin ay itinuturing na isa sa mga barangay na may mataas na bilang ng kaso. Kaya naman, ito ay isinailalim sa lockdown.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: