Press "Enter" to skip to content

Renter, Pinutulan Ng Landlord Ng Kuryente At Tubig Dahil Hindi Makabayad

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng pamahalaan na ipinagbabawal ang paniningil ng renta o upa sa mga tenant. Ganunpaman, marami pa din ang umaaray sa kabila ng banta ng Department of Trade and Industry sa mga landlord na may karampatang kaparusahan ang sapilitang paniningil ng renta sa mga tenant habang umiiral ang lockdown. Ngunit paano naman kaya kung ang dapat singilin ay sub-meter sa kuryente at tubig?

Viral post

Viral ang post ng netizen na si Pol Helen matapos ang di magandang karanasan mula diumano sa kanilang landlord. Aniya ay pinutulan sila ng kuryente at tubig nito habang umiiral ang enhanced community quarantine. Mapapansin sa mga larawan ay ang sub-meter ng kuryente at tubig na pinili ng kanilang landlord na tanggalin ang prebiliheyo mula sa kanila.

Renter, Pinutulan Ng Landlord Ng Kuryente At Tubig Dahil Hindi Makabayad 2

Sa post ay nagpabatid ng pag-aalala si Helen para sa kanyang mga senior na magulang at dalawang bata sa kanilang tahanan.

Renter, Pinutulan Ng Landlord Ng Kuryente At Tubig Dahil Hindi Makabayad 3

“Bat naman po ganto yung sinapit nila kala koba yong patakaran ni pangulong du30 walang singil sa nangungupahan. Pero ganto ung nanyari sa mga magulang ko. Ang nakakaawa lang don ung dalawang bata. Lalo na ngayun mainit ang panahon.ngayun pinutulan sila ng kuryenti saka tubig ngayun. Sakadahilang hindi nakabayad sa kuryinti at tubig.”

Padyak

Ayon pa sa netizen, pagpapadyak ang ikinabubuhay ng kanyang ama na syang sapilitan na itigil ang pagkayod dahil bawal ang paglabas at pagbyahe ng mga ito. Suma total ay walang income o kita ang pamilya kaya naman wala din itong maibigay na pambayad para sana sa kuryente at tubig. Sa post nito,

Renter, Pinutulan Ng Landlord Ng Kuryente At Tubig Dahil Hindi Makabayad 4

“Nag papadjak lang po yong tatay ko. Kaya wala pong income. Simula nung nag quarantine . wala napo siyang kita.. Nung nag reding sila ng kuryinti at tubig nakiusp payong tatay ko. Saknila na.pag ok na ung araw. Makakabayad nasila.. Pero hindi nila pinkingan yong pakiusap. Ng tatay ko. Wala naman sapat na pera sila para maibayad. Saknila.”

Walang awa

Sa kabila ng mga pakiusap at pangako na babayaran ang bill sa kuryente at tubig sakaling magkaroon na ng pagkakataon na makabyahe ay hindi pa rin umano nakinig ang may-ari ng kanilang inuupahan na unit.

Renter, Pinutulan Ng Landlord Ng Kuryente At Tubig Dahil Hindi Makabayad 5

” Pero tinoloy padin ung pag potol sa koryinti at tubig. Paki share namn po. Para makarating sa kinakataas taasan. Maraming salamat.. Po”

Hangad ni Pol Helen na makarating sa kinauukulan ang isyu at mabigyan ng karampatang aksyon. Hiling ng netizens ay mabigyan ng kinakailangang tulong ang pamilya at mabigyan ng leksyon ang landlord nito.

Source: Pol Helen

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: