Press "Enter" to skip to content

Rider Na Sinapak Ng Naghuramentadong Lalaki Sa Pasay, International Racer Pala!

Matatandaang nagviral ang isang road rage video na naganap sa Pasay, Martes ng gabi.

Viral video

Ang motor rider na makikita sa video na nagmamakaawa at halos lumuhod sa lalaking naghuhuramentado ay kinilalang si Masato Fernando. Si Fernando ay isang kilalang international racer na nakapagbigay na ng karangalan sa ating bansa.

Rider Na Sinapak Ng Naghuramentadong Lalaki Sa Pasay, International Racer Pala! 1

Nakapanayam ito sa programa ni Idol Raffy na kung saan ay inilahad nito ang istorya sa likod ng viral na video.

Rider Na Sinapak Ng Naghuramentadong Lalaki Sa Pasay, International Racer Pala! 2

Aniya, nag-overtake lamang ito sa sasakyang itim na syang lulan ng lalaking naghuhuramentado sa video. Kasalukuyan umanong traffic sa Pasay noong mga oras na iyon.

Rider Na Sinapak Ng Naghuramentadong Lalaki Sa Pasay, International Racer Pala! 3

Dagdag pa nito, hindi naman nito nasagi ang sasakyan kaya naman laki ang pagtataka nito nang mapansin na sinabihan sya ng isang kapwa rider na binato umano sya ng isang pasahero mula sa itim na sasakyan. Doon ay tumigil ito sa gilid ng kalsada na sya ring ginawa ng mga lulan ng itim na kotse. At doon ay bumaba ang tatlong lalaki at isang babae.

Makikita sa video ang paghuhuramentado ng lalaking nakaputing tshirt. Pinagmumura at pinagbabantaan nito si Masato. Ayon sa sikat na motor racer, tila makakapaminsala ng tao ang lalaking naghuramentado sa sobrang galit nito.

Takot para sa pamilya

Pag-amin ni Masato, natakot ito para sa kanyang sarili at pamilya nang mangyari ang insidente. Kaya naman ay naging mapagkumbaba ito at panay ang hingi ng tawad at lumuhod pa.

Rider Na Sinapak Ng Naghuramentadong Lalaki Sa Pasay, International Racer Pala! 4

Aniya ay pauwi na sya noong mangyari ang alitan mula sa pagdedeliver ng mga motor parts na syang negosyo nito.

Identity

Panawagan ni Idol Raffy sa mga inirereklamo, lumutang na. Ayon din sa kanilang pagsasaliksik, nakuha na ang plate number ng itim na kotse at tinetrace na ito sa kasalukuyan sa tulong ng Pasay police.

Rider Na Sinapak Ng Naghuramentadong Lalaki Sa Pasay, International Racer Pala! 5

Ang babaeng nagpost ng video at ang pulis na nakasaksi sa insidente ay handang tumayo bilang witness.

Panoorin ang video dito:

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: