Browse By

Robi Domingo Inakusahan Ng May-Ward Fan

Nagkasagutan si Robi Domingo at isang MayWard fan na inakusahan sya na ginagamit lamang nya si maymay para sa pansarili nyang kapakanan

Oktubre 17, ibinahagi ni Robi sa Twitter ang direct message ng MayWard fan na hindi nagustuhan na tila binubuyo raw ng Kapamilya host si Maymay kay Donny Pangilinan.

Ayon kay Robi, hindi niya ginagamit si Maymay at kasama niya itong gumagawa ng live stream show dahil nakikita niya ang potensyal nito.

Photo Credits: iWantTFC

Nagsimula sa livestream

Ang pinag-ugatan nito ay nang bumisita si Donny sa online live stream show nina Robi at Maymay noong October 1. Nagbagsak din ng gift si Donny para sa livestream nina Robi at Maymay.

Tila nabigyan ng kahulugan ang facial expression ni Robi na napatikom ang bibig na waring nagpapahiwatig na nais nitong tuksuhin si Maymay kay Donny.

May impresyon din ang ilan na parang kinilig umano si Robi para kina Maymay at Donny, at dahil dito nagpaabot ng kanyang saloobin ang isang MayWard fan.

Itinanggi ni Robi na may something romantic sa pagitan nina Maymay at Donny. Ayon kay Robi, kaibigan niya ang lahat ng celebrities na sangkot sa isyu kaya naman gusto niyang itigil agad ang kontrobersiyang ito.

“There’s nothing between Donny and Maymay except friendship. Edward is a close friend of mine as well. Please respect that. “If you continue to act this way, I will stop producing the show. The very reason why I made this is I see potential in maymay and I value inclusivity. If you don’t see these, then I am a failure and I shall stop…”

Robi Domingo- Oktubre 17, 2021

Maymay dumepensa kay Robi

Photo Credits: Maymay Entrata, PEP

Dinepensahan nman ni Maymay si Robi sa mga bumabatikos dito. At sya na mismo ang humingi ng pasensya.

“Pasensya ka na kuya robs.”Gustuhin ko man na matigil ang ganitong eksena pero gusto kong malaman mo kahit anong masamang sabihin ng ibang tao tungkol sayo, mangingibabaw ang katotohanan na busilak ang puso mo kuya at lagi kang may good intention sa mga mahal mo sa buhay.”Aja kuya!”

Maymay Entrata- Oktubre 17, 2021

MayWard fans may sagot din

Nabigay rin ng kanilang mga komento ang ilang MayWard fans sa nasabing isyu:

Photo Credits: iWantTFC, PEP

Source: PEP

Leave a Reply

Your email address will not be published.