Press "Enter" to skip to content

Robin Padilla: ‘Kinakailangang Mas Higit Na Maisabatas Ang Anti-Terrorism Law’

Last updated on August 14, 2020

Nangatwiran ang beteranong aktor na si Robin Padilla na kailangang maisabatas ang Anti-Terrorism Bill sa Pilipinas matapos magkaroon ng matinding pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Ang pagsabog

Naganap ang malawakang pagsabog sa Lebanon noong Martes, Agosto 4 na nagdulot ng kamatayan sa 145 na katao at libu-libong sugatang biktima.

Robin Padilla: 'Kinakailangang Mas Higit Na Maisabatas Ang Anti-Terrorism Law' 2
Source: Los Angeles Times

Hindi isang pag-atake

Sa pahayag ng Prime Minister ng Lebanon na si Hassan Diab, sinabi niyang ito ay dahilan ng maling pag-iimbak ng 2,750 na tonilada ng ammonium nitrate, isang highly explosive chemical compound. Ang mga opisyales sa Lebanon ay hindi rin ito ipinagpapalagay na pag-atake.

Robin Padilla: 'Kinakailangang Mas Higit Na Maisabatas Ang Anti-Terrorism Law' 3
Source: New York Magazine

Post sa Instagram

Sa Instagram post ni Padilla noong Agosto 5, ipinahayag nitong naniniwala siya na ito ay pag-atake ng mga terorista. Dahil doon, binigyang diin ng aktor na nararapat lamang na maisabatas Anti-Terrorism Bill.

Source: robinhoodpadilla

“Ito ang masasakit na ganap na dapat ay magsilbing babala at aral sa mga bansang may mataas na threat ng Terrorismo katulad ng Inangbayan Pilipinas.

Ngayon malinaw na sa ating lahat kung bakit kinailangang higit na maisabatas ang Anti-Terrorism Law. Umabot na po sa ganito ang kalupitan ng tao sa kanyang kapwa. Wala ng awa ang mga Terorista sa sibilyan.”

Anti-Terrorism Bill

Kamakailan lamang ay nilagdaan ni Presidente Rodrigo Duterter ang Anti-Terrorism Bill nitong Hulyo 3 sa kalagitnaan ng pag-ulan ng mga pambabatikos.

Robin Padilla: 'Kinakailangang Mas Higit Na Maisabatas Ang Anti-Terrorism Law' 4
Source: The Asean Post

Mula noong ito’y naipasa, umabot sa mahigit dalawampung petisyon ang pinadala sa Supreme Court ukol sa kasiguraduhang ito nga ba ay pinagtitibay ng Konstitusyon.

MECQ

Sa mas naunang post ni Padilla, kanyang idiniin na ang dahilan ng muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Mega Manila ay sa mga di matapos tapos na pagrereklamo ng mga mamamayan sa gobyerno. Siya rin namang madalas na laman ng mga pahayag ng mga kinauukulan.

“Ramdam na natin lahat sa ating mga tahanan ang unti unting pagkalimas ng ating mga savings at hindi ito problema lang natin buong mundo ang suliranin na ito kayat imbes na mabuhay at magising ka araw araw sa pagrereklamo at kakabatikos aba’y kumilos ka para makatulong at mapakinabangan una ng sarili mo, mga pamilya mo at ng Inangbayan. Hindi ito ang oras ng pamumulitika!”

Ipinatupad muli ni Duterte ang dalawang linggong MECQ sa kalagitnaan ng suliranin sa mahinang sistemang pangkalusugan sa rehiyon habang patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Panawagan

Nanagawan ang aktor sa mga kapwa nito Pilipino na gumawa na lamang ng aksyon sa kasalukuyang krisis imbes na magreklamo.

Source: robinhoodpadilla

“Ask not what your country can do for you – ask what you can do for your country.”

Source: Interaksyon

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: