Press "Enter" to skip to content

Roque: GCQ Protocol Ang Magiging “New Normal” Habang Wala Pang Vaccine Sa COVID19

Nilinaw ng tagapagsalita ng Malacañang na si Harry Roque na kahit pa mawala ang ECQ na idineklara ni Pangulong Duterte, hindi na rin babalik sa normal ang lahat. Ipapatupad na ang GCQ at ito ang sinasabing new normal na may mga protocol na dapat sundin.

New normal

Kamakailan lamang idineklara ni Pangulong Durterte ang pagpapalawig ng ECQ hanggang Mayo 15. May mga lugar na hindi na kabilang sa ECQ, sa halip sila ay sakop na sa tinatawag na GCQ o General Community Quarantine.

Roque: GCQ Protocol Ang Magiging "New Normal" Habang Wala Pang Vaccine Sa COVID19 2
Photo Credit: Philstar

Ang mga lugar na napabilang sa GCQ ay hindi ibig sabihin na babalik sa normal o dating nakasanayan natin. Ito ay may malaking pagbabago, may mga dapat na tayong sundin na mga rules o mga batas na ipapatupad.

Magiging limitado na rin ang magiging kilos ng mga tao sa ilalim ng GCQ. Ibang-iba sa normal na buhay natin noon bago pa dumating ang COVID19. Pero ito ay pansamantala lamang hanggang sa makahanap na nga vaccine para sa virus na ito.

GCQ Protocol

Ano nga ba ang kaibahan ng GCQ? Ito ay medyo maluwag kesa sa ECQ. Dito ay maaari ng magtrabaho ang mga tao, magbubukas na rin paunti-unti ang mga pabrika, malls, at iba pang mga establisyemento. Maaari na rin lumabas para bumili ng pagkain at gamot ang sinuman maliban lang sa may edad na 20 pababa at 60 pataas.

Roque: GCQ Protocol Ang Magiging "New Normal" Habang Wala Pang Vaccine Sa COVID19 3
Photo Credit: Philstar

Sa ilalim ng GCQ ay mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng pagsuot ng mask at pagkakaroon ng social distancing. Gawin na rin natin parte ng ating araw-araw ang paghuhugas at pag-sasabon lagi sa ating mga kamay, o ang paggamit ng alcohol at sanitizer. Hindi rin ang mawawala ang pagkuha ng temperatura sa atin kung tayo ay papasok sa isang establisyemento.

Malalampasan din

Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng inatake ng pandemya na COVID19 ang Pilipinas. Marami na ang binawian ng buhay sa iba’t-ibang panig ng mundo. May mga nagsasabi na ito ay wala ng lunas, marami na rin ang nawalan ng pag-asa.

Roque: GCQ Protocol Ang Magiging "New Normal" Habang Wala Pang Vaccine Sa COVID19 4
Photo Credit: Aksyon Radyo Bacolod

Dahil na rin sa krisis na ito, marami na rin sa atin ang nakararanas ng hirap at gutom. Ang mga nasa gobyerno ay hindi na rin alam kung paano haharapin o lulutasin ang kinakaharap natin sa ngayon.

Sa pagharap natin sa new normal na ito, sa mga GCQ protocol na dapat sundin. Umaasa ang marami na ito na ay simula ng pagsugpo o pagkawala ng sakit na ito. At marami sa atin ang nagsasabi at humihiling na naway malampasan natin ang laban na kinakaharap ng bansang Pilipinas.

Malacañang on Sunday said that the general community quarantine hoisted over cities classified as low-risk areas will be…

Posted by Philippine Star on Saturday, April 25, 2020
Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: