Press "Enter" to skip to content

Roque Pinasaringan Ang Mga Kritiko: Slow Sila To Gets

Sinagot ni presidential spokeperson Harry Roque ang mga kritiko matapos siyang ma-bash online. Ito ay dahil sa kanyang pahayag noong Hulyo 1, sa pagkapanalo ng bansa sa prediksyon ng University of the Philippines (UP) sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Pahayag ni Spox

Ang kanyang pahayag na ito ay umani ng sari-saring opinyon sa publiko, na hindi nananalo ang bansa laban sa pandemyang ito at ang COVID-19 ang ating kaaway at hindi ang UP.

Roque Pinasaringan Ang Mga Kritiko: Slow Sila To Gets 2
Photo Credit: Philstar

Sagot ni Roque sa mga kritiko,

“Medyo-medyo slow sila to gets, ‘no? Hindi po talaga UP ang kalaban.”

Pakiusap ni Roque

Humingi nang pang-unawa si Roque na ang kanyang komento ay isa lamang “ringside type of comment.”

Roque Pinasaringan Ang Mga Kritiko: Slow Sila To Gets 3
Photo Credit: Philstar

Dagdag pa niya,

“Ang kalaban talaga ay COVID. Siguro parang ringside commentator itong UP, ‘yung sinasabi nila ang magiging score. Konting intindi lang po.”

Congratulations pa rin

Sinabi din ni Roque na wala siyang pakialam sa mga kritiko, patuloy niyang iki-congratulate ang mga Filipno para palakasin ang loob ng mga tao.

Aniya,

“I think, every month now, I’m going to keep doing it, and I really don’t care about the critics. I think people should be reminded, that although there are mathematical models, we could still control what happens in our lives.”

Pinahayag din niya na,

“We’re on track, given that there’s still no vaccine and there is no medicine. The only way we will ultimately win against this disease is we develop a vaccine and an antidote for it.”

Banat ng mga kritiko

Hindi naman napigilan ni Senator Risa Hontiveros na magkomento sa Twitter sa pag-congratulate ni Roque sa Pilipinas.

Roque Pinasaringan Ang Mga Kritiko: Slow Sila To Gets 4
Photo Credit: Inquirer

Ayon sa kanyang tweet,

“Hala. COVID-19 ang kalaban, hindi UP.

Nagpahayag din ng kanyang komento si Bagong Alyansang Makabayan secretary Renato Reyes kay Roque.

“No, Harry. We did not win squat. The self-congratulations is grossly misinformed and intellectually dishonest.”

Ang mga mananaliksik sa UP ay tinatayang maaaring umabot sa 60,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Hulyo.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: