Press "Enter" to skip to content

Sa Galit, Misis Binudburan Ng Zonrox Ang Pagkain Ng Mister

Last updated on May 29, 2020

Ang away mag-asawa na ito ay inilapit nang nagmalasakit na kapatid ng mister sa programa ni idol Raffy Tulfo. Ang reklamo ay dahil sa pananakit ng pisikal at pang mamaltrato ng misis sa kanyang mister.

Ang pananakit

Ayon sa mga kapatid ni Romy Menor sa naging panayam noong ika-26 ng Mayo, ay sinabi na matagal na diumano ginagawa ng misis nito ang nasabing pananakit dito. Minsan pa nga habang si mister ay kumakain ay nagawang budburan ng misis nito ng zonrox ang kanyang kinakain.

Ang Pananakit- Bgry. Kapitan
Photo Credit: Youtube

At dahil sa hindi na matiis ng mga kaanak ang ginagawang pang mamaltrato ng misis sa kanilang kapatid, kaya napilitan ang mga ito na ilapit ang reklamo sa programa na Raffy Tulfo In Action.

Ang depensa ng misis

Sa pahayag ng misis kay idol Raffy na si Flory Menor ay mariin nitong itinanggi ang mga paratang sa kanya, sa katunayan ang mister diumano nya ang nananakit sa kanya at pinaghihinalaan pa diumano ito na kabit ang mga asawa ng kanilang mga kapitbahay.

Ang Depensa- Brgy. Chairman
Photo Credit: Youtube

Dagdag pa ni Flory matapos daw itong isiping ng kanyang asawa ay sinasabihan pa ito na pangit, ang mister di umano ang unang nananakit at gumaganti lamang ito.

Tagal na panahon

Ang away nilang mag-asawa na ito ay panahon pa diumano ng mga dinasour, sa katunayan nagkaroon na ito ng maraming blotter sa kanilang brgy. Ayon sa kanilang brgy Chairman ay katatapos pa lamang pag-ayusin ang mga ito noong isang araw at hindi na din halos nito mabilang kung may ilang beses na ang mga ito nagkaroon ng record ng kanilang mga away.

Ang Away- Brgy. Chairman
Photo Credit: Youtube

Sinabi pa nito na maging ang kanilang mga kapitbahay ay inreklamo pa ang mag-asawa dahil sa nadadawit ang mga ito sa pag-aaway.

Sa huli ibinalik ng programa ni idol ang reklamo ng mag-asawa sa kanilang Kapitan at doon ay inaksyunan ito kasama ng isang kawani ng programa nito. At ang naging resulta ay pinili pa din ng mag-asawa ang pag-aayos alang-alang sa kanilang mga anak.

Para sa iba pang mga balita bisitahin ang Pinasbalita.org

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: